Pagtutulungan sa Marawi rehabilitation, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Umaasa ang Prelatura ng Marawi na magkaroon ng mas bukas na ugnayan at pagtutulungan ang pamahalaan at ang Simbahan sa pagsusulong ng rehabilitasyon sa syudad ng Marawi makalipas ang apat na taon mula ng maganap ang Marawi siege noong 2017.

Sa mensahe ni Marawi Bishop Edwin dela Peña, MSP, D.D sa social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines,,binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mas epektibong mapagplanuhan ang mga hakbang sa muling pagsasaayos ng nasirang syudad.

Ipinaliwanag ng Obispo bukas at handa ang Simbahan upang makipagtulungan sa pamahalaan para maisaayos ang kapakanan ng mamamayan ng Marawi.

“Sana parallel ang aming walking together minsan [kasi] they go on their own, we go on our own parang we lack that kind of parang synergy yun ang dapat siguro na i-develop natin that the Church is not a burden or a barrier pwede naman tayong magsama, after all we are serving the same people pareho lang naman yan yun lang siguro ang kailangan natin we have to develop that.” mensahe ni Bishop dela Peña.

Kasama si Bishop dela Peña at ilang kinatawan mula sa Caritas Philippines ang nagtungo sa syudad upang personal na makita at masuri ang sitwasyon ng mamamayan ng Marawi makalipas ang apat na taon.

Kaugnay nito muling nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan para sa kongkretong plano at hakbang sa muling pagsasaayos ng syudad ng Marawi gayundin para sa kalagayan ng mga mamamayan.

Umaasa naman ang Simbahan na ganap na ikonsidera ng pamahalaan ang kapakanan hindi lamang ng mga Maranao kundi maging ng mga Kristiyano na naninirahan sa syudad.

Batay sa tala, aabot sa 60-libong mga pamilya ang nawalan ng tahanan at ari-arihan dahil sa naganap na Marawi siege kung saan may 126-na libong mga residente pa rin ng Marawi ang pansamantalang naninirahan sa mga temporary housing.

Bukod sa mga tahanan at mga establisyemento sa syudad ilang mga kapilya at mga lugar dalanginan rin ang nasira dulot ng bakbakan kabilang na ang Saint Mary’s Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 4,361 total reads

 4,361 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 86,423 total reads

 86,423 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,150 total reads

 188,150 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 224,938 total reads

 224,938 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 255,427 total reads

 255,427 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top