Bawat tao may pag-asang magbago at maging mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Pinaalalahanan ng arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mananampalataya na bawat isa ay binigyang pagkakataong magbagong buhay.

Ito ang sentro ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa misang ginanap sa Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo para sa ikalimang anibersaryo ng SANLAKBAY sa Pagbabago ng Buhay program ng arkidiyosesis.

Inihalintulad ng cardinal ang programa sa talinghaga sa bibliya tungkol sa tagapag-alaga ng puno ng igos na nagbigay ng panahon para tumubo at maging mabungang punongkahoy.

“Ito ang pinakapuso ng SANLAKBAY program, naniniwala tayo na ang bawat tao ay may pag-asang magbago at maging mabuti,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tinuran ng Cardinal na may mga pagkakataong nadadapa, nagkakamali at nakagagawa ng kasalanan ang tao subalit sa tulong ng habag at awa ni Hesus nabibigyang pagkakataon ang bawat isa na bumangon at makapagsimulang muli.

“Sa SANLAKBAY program ipinaparamdam natin ang awa at pagpapatawad ng Diyos na hindi naghuhusga kundi umunawa at nagbibigay pagkakataong bumangon, ituwid ang ating buhay at maging mabuting tao,” dagdag pa ng cardinal.

Taong 2016 ang inilunsad ang SANLAKBAY program ng arkidiyosesis sa pangunguna ni noo’y Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang pakikiisa sa malawakang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Samantala, ayon kay Father Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, priest-minister ng Restorative Justice Ministry ng arkidiyosesis may kabuuang 1, 417 na mga drug surrenders ang sumailalim sa drug rehabilitation program kung saan 452 na ang nakatapos at muling nakikipamuhay sa kani-kanilang komunidad dala ang mga aral na natutuhan sa programa.

“So itong 5 years na ito, ito yung efforts na ginagawa namin at siyempre ang lahat ng mga bunga na ito ay resulta ng pagtulong-tulong ng lahat ng sektor,” ani Fr. Dela Cruz.

Pinasalamatan ni Cardinal Advincula si Fr. Dela Cruz, ang mga volunteers at mga katuwang na organisasyon sa pagtatagumpay ng ongoing drug rehabilitation program ng simbahan.

Bukod dito, nagkaloob din ng mga bisekleta ang Rotary Club of Makati sa mga SANLAKBAY graduates upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na hanapbuhay.

Isa ang grupo sa mga pribadong organisasyon na katuwang ng arkidiyosesis sa nasabing programa.

Naniniwala naman si Fr. Dela Cruz na ang SANLAKBAY program ay isang magandang halimbawa sa isinagawang pre-synodal process ng simbahan tungo sa ika – 16 na Synod of Bishops on Synodality na gaganapin sa October 23 sapagkat makapagbabahagi ang mga drug surrenderers ng kanilang karanasan sa lipunan.

“Magandang model ito [SANLAKBAY] lahat naman ito even our synod is para sa evangelization, pero iba’t ibang sektor yung ini-evangelize natin; palagay ko makakapag-contribute din ang ating programa lalong lalo na sa mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot,” saad ng pari.

Kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang pagbati ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforement Agency, Philippine National Police, Dangerous Drugs Board at iba pang opisyal ng pamahalaan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,432 total reads

 44,432 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 42,279 total reads

 42,279 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,643 total reads

 76,643 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,468 total reads

 178,468 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 219,025 total reads

 219,025 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,893 total reads

 237,893 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top