Adiksyon sa Kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total reads

Sa ating bansa ngayon, kapag sinabing adik, kadalasan, sa droga natin ito inuugnay. Ngunit, kapanalig, may mga ibang uri ng adiksyon na mas nakakamatay sa ating bayan. Isa na rito ay ang adiksyon sa kapangyarihan.

Kapanalig, sa ating bansa, ang pagkapit sa kapangyarihan ay lumang ideya. Isang praktis na tanggap ng maraming Pilipino kahit pa labag ito sa ating Konstitusyon. Ayon sa 1987 Constitution, Article 2, Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Ayon sa isang pag-aaral na mula sa Asian Institute of Management (AIM) Policy Center noong 2012, 70% ng 15th Philippine Congress ay mula sa mga political dynasties at malaking bahagi ng lahat ng pangunahing partidong politikal ay binubuo ng mga dynastic families. Walumpung porsyento rin ng mga pinakabatang congressmen na may edad 26 hanggang 40 ay mula sa mga dynastic clans. Karaniwan, mas maraming mga dinastiya sa mga rehiyon kung saan mataas ang antas ng karalitaan at mas mababa ang human development.

Ayon naman sa isang pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong August 2015, lalong pinalala na mga political dynasties ang kahirapan sa ating bansa. Laganap ang dynasties, ayon sap ag-aaral, sa sampung pinakamahirap na probinsya sa bansa.

Maraming mga implikasyon ang paglaganap ng dinastiya sa Pilipinas. Unang una, isa itong malaking hadlang sa paghikayat ng mas bibong partisipasyon ng mga mamamayan sa mga prosesong pampolitikal. Nagiging monopoliya ng iilang pamilya ang pamamahala. Nagiging personality-based din ang eleksyon, at nabubulag ang mga botante sa mga nararapat na batayan sa pagpili ng mga pinuno. Nababawasan din ang checks and balances sa pamahalaan.

Noong huling Kongreso, may mga panukalang batas sa Senado at Lower House na naglalayon na sugpuin ang political dynasties sa ating bansa. Mahalaga sana na maipasa ang mga ganitong panukala dahil ito ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa karaniwang Pilipino. Babaguhin nito ang ating political landscape, at maari magdala ng malawakang pagbabago sa ating mga political parties, na base na rin sa ating karanasan nitong nakaraang eleksyon, ay tila behikulo na lamang ng pansariling interes kaysa ng prinsipyo at integridad.

Kapanalig, ang isyu ng political dynasties ay hindi lamang isyung pang-eleksyon. Base na rin sa mga bagong pag-aaral ngayon, ito ay isyu na kaugnay ng kahirapan. Ito rin ay isyu na kadikit ng ating tunay na kalayaan at dangal. Paalala ng Gaudium et Spes, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Ang ating lipunan ay dapat magkaroon ng mga struktura o mekanismo na magbibigay ng pagkakataon sa mamamayan na malayang makilahok sa politika, sa pamamahala, sa pagtatalaga ng mga layunin ng mga ahensya, at sa pagpili ng kanilang mga pinuno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 22,366 total reads

 22,366 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 242,983 total reads

 242,983 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 277,656 total reads

 277,656 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 293,556 total reads

 293,556 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 328,488 total reads

 328,488 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 22,367 total reads

 22,367 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 242,984 total reads

 242,984 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 277,657 total reads

 277,657 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 293,557 total reads

 293,557 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top