Prison Chaplains at volunteers, kinilala at parangal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 767 total reads

Binigyang pagkilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang lahat ng prison chaplains at volunteers na patuloy na nagsisilbing daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa mga bilanggo maging sa gitna ng pandemya.

Sa pagninilay ni Bangued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian – kasaping obispo ng kumisyon sa banal na misa para sa pagsisimula ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon ay ibinahagi ng Obispo ang patuloy na koneksyon o ugnayan na naipapadama ng mga prison chaplains at Volunteers sa mga bilanggo.

Ayon sa Obispo, bagamat hindi makapasok sa mga bilangguan sa ngayon ang mga prison chaplains at volunteers ay hindi naman ito hadlang upang patuloy na maipadama pag-aaruga ng Simbahan sa mga bilanggo sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

“Sa pamamagitan ng pagmamahal, Gifted to Love ng mga chaplains, ng mga volunteers sa prison apostolate kapag bumibisita po tayo hindi lang sa panalangin kundi sa gitna man ng pandemya ay hindi po tayo pinapayagang makapasok sa mga kulungan, nasa labas din tayo pero nandun pa rin po yung connection sa kanila yung ating pagmamahal sa kanila, pag-aaruga sa kanila. pagninilay ni Bishop Jaucian para sa pagsisimula ng 34th Prison Awareness Week.

Pagbabahagi ng Obispo, naaangkop lamang ang tema ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon na “The Jail / Prison Chaplains and Volunteers: Gifted To Give Love that Restores Life, Hope and Healing to the Prison Community” upang bigyang pagkilala at parangal ang pagsasakripisyo ng mga prison chaplains, volunteers at coordinators na patuloy na nagsisilbing katuwang ng Simbahan upang patuloy na mabigyang pag-asa ang mga bilanggo.

“Ang tema natin ngayong taon “Gifted to Give Love that Restores Life, that gives Hope and Healing to the Prison Community” parangalan natin po yung mga selfless love ng mga chaplains, ng mga volunteers, ng mga person coordinators sa bawat dioceses at sa paggabay ng ating mga mahal na Obispo na miyembro ng komisyon na ito.” Dagdag pa ni Bishop Jaucian.

Paliwanag ng Obispo, naaakma ang tema ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon sa paggunita ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas na mayroong temang “Gifted to Give” na maituturing din na isang hamon para sa bawat isa upang maging instrumento ng pagbabahagi ng habag, awa ng diyos sa mga bilanggo.

“Itong taon as we celebrate 500 years [of Christianity in the Philippines] ‘Gifted to Give’ may each one of us by the care, by the love we had for our brothers and sisters who are deprived of their liberty in doing so may they see the face of Christ. To all the chaplains, to all the volunteers for the prison apostolates [I pray] that may the Lord Jesus use us as His instruments of compassion, mercy and love.” Ayon pa kay Bishop Jaucian.

Sa paggunita ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon mula ika-25 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2021 ay inaanyayahan ng Simbahan ang bawat mamamayan na magsilbing daluyan ng biyaya ng Panginoon para sa kapwa partikular na sa mga bilanggo sa pamamagitan ng pagbibigay pansin at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,990 total reads

 6,990 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 20,558 total reads

 20,558 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 61,119 total reads

 61,119 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 88,070 total reads

 88,070 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 136,335 total reads

 136,335 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 157,492 total reads

 157,492 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,991 total reads

 6,991 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 25,996 total reads

 25,996 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 25,743 total reads

 25,743 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top