Non-regular workers: Tumataas ang bilang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 372 total reads

Kapanalig, nagiging matunog ang usapin ukol sa mga non-regular workers ngayon. Sino nga ba sila at ano ang kanilang sitwasyon?

Base sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot ng 1.336 million ang mga non-regular workers sa mga establisiyemento na may 20 o higit pang empleyado. Ito ay katumbas ng 29.9% ng kabuuan ng establishment workforce na umaabot naman ng 4.472 million. Tumaas ito ng 16.35% mula 2012.

Ayon pa sa PSA, kalahati ng mga hindi regular na manggagawa ay mga contractuals o project-based. Base sa depinisyon ng ahensya, ang contractuals ay yaong ang trabaho ay “fixed” o nakatalaga para isang proyekto o gawain. Alam na agad kung kailan matatapos ito at siyempre kung hanggang kailangan ang empleyado.

Ang pinakamalaking bilang ng mga contractual na manggagawa ay ang mga construction workers. Tatlo sa limang empleyado ng mga establisiyemento na may 20 pataas na bilang ng empleyado ay mga di regular contractual construction workers. Sa agrikultura at pangingisda pati na rin sa manufacturing, dalawa sa limang empleyado ay hindi din regular.

Alam niyo kapanalig, nagiging mas masidhi ang pangangailangan ng mga di–regular na empleyado ngayon kasi magpapasko. Karamihan sa mga kontrata kasi nila ay nagtatapos bago dumating ang buwan ng disyembre. Sinasabi ngang talamak ang “5-5-5” sa iba-ibang industriya sa atin. Ang 5-5-5- ay ang endo ng kontrata pagkatapos ng limang buwan, at ang muling pagkuha sa kanila para sa isa na namang limang buwang kontrata.

Sa parte ng mga manggagawa, ang ganitong sitwasyon ay nagdadala ng malaking inseguridad, lalo pa’t ang kanilang mga trabaho ay hindi naman kataasan ang sweldo. Ang kanilang kita ay sapat lamang, o minsan kulang pa. Ang pag-iimpok para sa mga araw o linggo o buwan na bakante ay hindi nila magawa. Hirap din makahanap ng trabaho na may tenure ang mga manggagawa dahil unang una, mas talamak ang praktis ng contractualization. Pangalawa ang bawat araw sa trabaho ay mahalaga dahil ito ay nangangahulugan ng kita-kita na hindi dapat mawaglit dahil kailangan ng pamilya.

Ang contractualization kapanalig, ay isang praktis na hindi nakatingin sa buhay at dangal ng manggagawa. Para sa maraming contractual workers, ang gawaing ito ay hindi nagbibigay importansya sa tao, kundi sa trabaho at kita lamang.

Ang Panlipunang turo ng Simbahan, kapanalig, ay hinihimok tayong tunay na pagmasdan ang mangagawang Pilipino: banat na banat ang buto at tuyo na ang luha dahil sa hirap ng buhay. Ayon nga sa Laborem Excercens: Nais nilang maramdaman na nagtatrabaho sila para sa kanilang sarili at pamilya—ngunit ang kamalayang ito ay natatabunan ng ating sistema na ginagawa silang animo’y piyesa na lamang ng makina na pinapatakbo ng mga may kapangyarihan. Kapanalig, kung tayong lahat ay kawangis ng Diyos, nararapat bang ganito ang sitwasyon ng manggagawa?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 22,368 total reads

 22,368 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 242,985 total reads

 242,985 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 277,658 total reads

 277,658 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 293,558 total reads

 293,558 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 328,489 total reads

 328,489 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 22,369 total reads

 22,369 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 242,986 total reads

 242,986 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 277,659 total reads

 277,659 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 293,559 total reads

 293,559 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top