Imulat ang mga botante na ang pulitika ay pinakamataas na uri ng kawanggawa, misyon ng Simbahan at PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total views

Ang Patriotism o pagiging makabayan ay hindi lamang paghahangad ng kabutihan para sa bayan kundi pagsusulong rin ng kapakanan o common good ng bawat mamamayan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Diocese of Bacolod Bishop Patricio Buzon sa ikatlong serye ng Novena Mass ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng PPCRV upang ibukas ang kamalayan ng bawat isa na dapat na seryosohin at ganap na isabuhay ng bawat botante ang pagiging makabayan sa pagboto ng mga karapat-dapat na mga opisyal bayan na magsusulong ng mabuting pamamahala.

“Patriotism seeks the good of the people, of the Pilipinos. And what is that good, [it is] the common good. Patriotism is about working for the common good of our people, and now you understand why we are so serious about PPCRV so that the common good may really be protected and realize and suit with the good governance in a ways the common good is threatened,” ang bahagi ng pagninilay ni Bacolod Bishop Patricio Buzon.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng tungkulin ng Simbahang Katolika ang maihanda at maimulat ang kamalayan ng taumbayan sa pagiging mapanuri sa nakatakdang halalan.

Pagbabahagi ni Bishop Buzon, dapat na maunawaan ng bawat isa ang tinuran ng Santo Papa Francisco sa kanyang ikatlong encyclical na Fratelli tutti na ang politika ay maituturing na isang bokasyon at isang pinamataas na paraan ng pagkakawanggawa.

Giit ng Obispo, isa lamang ito sa mga hamon para sa Simbahan partikular na para sa PPCRV na nagsisilbing pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng maayos, malinis, matapat at mapayapang halalan sa bansa.

Umapela naman si Bishop Buzon sa bawat isa upang ipanalangin ang katatagan, kalakasan at kapakanan ng lahat ng PPCRV volunteers na maglilingkod sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.

“In Fratelli Tutti, the Pope says politics is a a lofty vocation and I think this is an area where we as church should work hard also to be able to prepare our people to take their place in the leadership of governance so that could have good leaders that can promote and work for the common good. Politics is a a lofty vocation and one of the highest forms of charity, and that is how challenging for PPCRV is from pre-election in terms of educating and informing our political conscience, our citizenry to the election itself and post-election on making those elected accountable and that is why we pray for all PPCRV [volunteers] all over the country that they will be given the strength and sturdiness,” dagdag pa ni Bishop Buzon.

Bahagi ng espesyal na intensyon ng ikatlong serye ng online mass ng PPCRV ay upang ipanalangin ang kapakanan at paninindigan sa tama at mabuti ng mga pambansa at lokal na kawani ng pamahalaan partikular na para sa kabuuang proseso ng nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Layunin din ng gawain na tinaguriang PPCRV Prayer Power Campaign 2022 na ipanalangin at hingin ang paggabay ng Panginoon sa matalino at maka-Diyos na pakikilahok sa halalan ng bawat mamamayang Pilipino o pagpapairal ng One Godly Vote para sa kinabukasan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 61,196 total views

 61,196 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 61,196 total views

 61,196 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 61,196 total views

 61,196 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 59,322 total views

 59,322 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 54,150 total views

 54,150 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top