Kasinungalingan, laganap sa Pilipinas sa panahon ng halalan – Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 919 total reads

Malaki ang problema ng bayan kaugnay usapin ng katotohanan.

Ito ang ibinahagi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari at Panginoon ng Katotohanan sa gitna ng panahon ng halalan sa bansa.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, maraming mamamayan ang madaling malinlang ng maling impormasyon at kasinungalingan dahil sa kawalan ng pagsusuri.

“Malaking issue sa atin ngayon ang katotohanan. Maraming mga tao ang hindi naghahanap ng katotohanan. They do not seek, so they do not find. Hindi sila nag-iimbistiga at hindi nga nag-aanalisa,” pagninilay ni Bishop Pabillo sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi lahat ng makikita, mababasa at mapapanuod sa iba’t ibang social media platforms ay tama at totoo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang katotohanan bilang pangunahing batayan sa paggawa ng desisyon lalo na sa nakatakdang halalan sa bansa.

Iminungkahi ng Obispo na makatutulong din ang pakikipagtalakayan upang sama-samang mapalawak ang pag-unawa ng bawat isa sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga kandidatong naghahangad na maluklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Inihayag ng Obispo na pantay-pantay at iisa lamang ang boto ng bawat mamamayan tuwing halalan na nararapat pahalagahan.

Naunang nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga botante na magkaroon ng circles of discernment para sa 2022 polls.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 24,061 total reads

 24,061 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 74,427 total reads

 74,427 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 207,722 total reads

 207,722 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 293,104 total reads

 293,104 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 355,398 total reads

 355,398 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top