Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manindigan para sa katotohanan, hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 570 total views

Hinamon ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na manindigan sa katotohanang hatid ni Hesus ang Kristong Hari.

Ito ang sentro ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng ikaanim na dekada ng kapistahan ng Christ the King Parish sa Project 7 Quezon City nitong November 21.

Ayon sa cardinal malaking hamon sa kasalukuyang panahon ang pagtukoy sa katotohanan lalo’t laganap sa lipunan ang fake news partikular sa social media.

Paliwanag ng arsobispo na ang pagbabahagi ng mga maling impormasyon ay maituturing na pagpanig sa kasinungalingan.

“Kapag naniwala tayo sa fake news at tayo pa mismo ang nagpalaganap ng mga ito, nagiging daan din tayo ng kasinungalingan. At kapag naging daan tayo ng kasinungalingan, hindi tayo nagiging panig kay Jesus; naging kasangkapan tayo ng kaaway, naging kasangkapan tayo ng demonyo,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Nababahala ang punong pastol ng Maynila sa labis na paglaganap ng fake news lalo na sa nangungunang social media sites tulad ng facebook, twitter at tiktok na karaniwang ginagamit ng mamamayan.

Aniya, maraming mga indibidwal ang naniniwala sa mga napapanuod sa social media at binalewala ang pamamaraan sa paghahanap ng katotohanan o fact checking sa bawat detalye.

Sa pag-aaral ng Statista Research nasa 80 milyon ang mga Filipinong aktibo sa social media kung saan sa forecast nito sa taong 2026 inaasahang aabot pa sa 90 milyon ang Filipino social media users.

Dahil dito, hinikayat ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng mga Salita ni Hesus.

“Bumalik tayo kay Jesus dahil ang mga Salita ni Jesus ay hinding-hindi magbabago; na kay Jesus ang katotohanan,” dagdag pa ng cardinal.

Ang Christ the King Parish sa Project 7 ay itinatag noong August 3, 1961 at kasalukuyang pinamumunuan ni Father Glenn Orocio.

Pinasalamatan ni Fr. Orocio ang mananampalataya ng parokya sa patuloy na suporta nito makalipas ang anim na dekada lalo na sa pakikiisa sa misyon ng simbahan na pagpapalago ng pananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,843 total views

 73,843 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,838 total views

 105,838 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,630 total views

 150,630 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,577 total views

 173,577 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,975 total views

 188,975 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,001 total views

 1,001 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,056 total views

 12,056 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top