Mamamayan, inaanyayahan ng EU sa webinar sa plastic waste pollution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

Maglulunsad ng webinar ang European Union (EU) Delegation to the Philippines sa usapin ng plastic waste pollution sa bansa.

Layunin nitong mas maunawaan ang kalagayan ng pangangasiwa sa mga basurang plastic at pagtugon sa mga hamon mula sa nakapipinsalang epekto ng plastic waste pollution.

“This webinar aims to generate a deeper understanding of the state of plastic waste management linked to the circular economy in the country, and the response to the challenges emanating from plastic waste pollution,” pahayag ng delegasyon.

Paksa ng webinar ang “Green Deal: Dealing with Plastic Waste Management for Better Circular Economy” na gaganapin sa Nobyembre 25, 2021 mula alas-2:30 ng hapon sa pamamagitan ng zoom at facebook live streaming.

Kabilang sa mga magbabahagi sa webinar sina EU Ambassador Luc Veron; Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones; EU Delegation Programme Manager Giovanni Serritella; at European Commission Directorate-General for the Environment Policy Officer Paulo da Silva Lemos.

Gayundin sina H&M Southeast Asia Sustainability Manager Marian Dang; United Nations Environment Programme National Goodwill Ambassador Antoinette Taus; at The Plastic Flamingo Chief Product Officer Anne-Sophie van der Spek.

Paliwanag ng EU na naaayon din ang webinar sa isa sa mga layunin ng EU Indo-Pacific Strategy na labanan at tugunan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.

“It is also in line with one of the goals of the EU Indo-Pacific Strategy to work with partners to fight, mitigate and adapt to climate change and to counter biodiversity loss, pollution and other forms of environmental degradation,” ayon sa EU.

Inaanyayahan din ng delegasyon ang bawat isa na tumulong sa pagpapalaganap ng kamalayan upang makamtan ng bansa ang circular economy na makakatulong din sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang circular economy ay naglalayong bigyang-pansin at tugunan ang mga pandaigdigang hamon tulad ng climate change, pagkawala ng biodiversity, basura, at polusyon.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng simbahan na bagamat sang-ayon ang Simbahang Katolika sa pag-unlad ng ekonomiya, kinakailangang ito ay nakakamit nang hindi nagdudulot ng masamang epekto sa mamamayan maging sa kalikasan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,940 total reads

 2,940 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 118,658 total reads

 118,658 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 159,222 total reads

 159,222 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 179,689 total reads

 179,689 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 227,956 total reads

 227,956 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 245,301 total reads

 245,301 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,435 total reads

 133,435 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top