Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag makampante sa bumababang kaso ng COVID-19, paalala ni Bishop Buenaventura

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Pinaalalahanan ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang publiko na huwag makampante sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Bishop Famadico na nararapat lamang na ipagpasalamat sa Diyos na unti-unti nang bumabalik sa dati ang sitwasyon ng lipunan ngayong kaunti na lamang ang bilang ng mga nahahawaan ng virus.

Ngunit babala ng Obispo na kaakibat pa rin nito ang tungkulin ng bawat isa na huwag na muling hayaang lumala ang sitwasyon at huwag ring hintaying makaapekto pa ulit ito sa buhay ng tao.

“Tayo ay magpasalamat sa Diyos at bumababa na ang kaso ng COVID-19. Ngunit, huwag nating hayaan na tumaas ulit ang mga bilang ng kaso nito at maapektuhan ang buhay ng bawat isa,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Famadico na dapat pa ring panatilihin ang pag-iingat at patuloy na sundin ang pagsusuot ng face mask at social distancing upang patuloy na maging ligtas sa banta ng COVID-19.

“Panatilihin pa rin natin ang pagsunod sa minimum health protocols,” dagdag ng Obispo.

Batay sa huling tala ng Department of Health, aabot sa 2,227 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na nagresulta naman sa 21,101 aktibong kaso.

Umabot naman sa 3,152 ang panibagong bilang ng mga gumaling habang nasa 175 naman ang mga nasawi.

Samantala, ayon naman sa National Task Force Against COVID-19, nasa higit 73-milyon na ang bilang ng mga nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Sa nasabing bilang, nasa halos 33-milyon na ang kumpleto na sa bakuna laban sa virus habang nasa 40-milyon naman ang nakatanggap pa lamang ng unang dose at 6,000-health workers naman ang nakatanggap ng additional dose mula sa single-dose na Johnson & Johnson vaccine.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,229 total views

 73,229 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,224 total views

 105,224 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,016 total views

 150,016 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,966 total views

 172,966 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,364 total views

 188,364 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 495 total views

 495 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,561 total views

 11,561 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,512 total views

 6,512 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top