Katiwalian sa pamahalaan sa gitna ng pandemya, binatikos ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 768 total views

Walang puwang ang katiwalian ng mga opisyal ng pamahalaan sa panahon ng pandemya.

Ito ang binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa mga nabunyag na katiwalian at kurapsyon sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakagagalit ang kinasasangkutang katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno.

Ikinadismaya ng Obispo na sa kabila ng kakulangan ng pagtugon ng pamahalaan sa pagdurusa ng taumbayan ay abala naman ang ilang opisyal sa pangungurakot.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang maanomalyang 8-bilyong pisong halaga ng kontrata na iginawad ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceuticals, Corporation gayundin ang pangungutang sa international community sa kabila ng Republic Act. No. 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act”.

“Nakakagalit ang mga pangyayari kasi ang mga tao ay hirap na hirap. Ang masama pa yung mga kinukurap ay yung dapat na mapunta sa tao. Mayroon tayong Bayanihan, ginamit yung batas at nanghiram pa tayo ng pera para makatulong sa mga tao at naku-corrupt lang. Malalaking pera ang involve, yung 8-billion pesos, ang daming taong matutulungan niyan.”pahayaag Bishop Pabillo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang katiwalian at kurapsyon ay higit na nagpapahina sa katatagan ng lipunan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ipinaliwanag ng Obispo na kung patuloy na mananaig ang katiwalian lalo na sa pamahalaan ay hindi makakamit ng bansa ang kapayapaan at katarungan.

Yung usapin ng kurapsyon yan po ay nakapanghina ng loob sa ating lipunan na isinusulong ang katotohanan, nagsusulong ng kapayapaan”.saad ni Bishop Pabillo

Ang pahayag ay ibinahagi ng Obispo sa isinagawang webinar ng Caritas Philippines at grupong One Faith One Nation One Voice na binubuo ng iba’t ibang mga relihiyon at denominasyon na may titulong ‘Rising for Truth and Accountability in Response to a Litany of Corruption in this time of Pandemic’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang papasan ng system-loss?

 26,604 total views

 26,604 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 178,659 total views

 178,659 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 203,568 total views

 203,568 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 242,864 total views

 242,864 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 268,168 total views

 268,168 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top