Ugat ng lahat ng sakit ng lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga pamilyar na kuwento sa Ebanghelyo ni San Marcos ang tungkol sa pagpansin ni Hesus sa pag-aalay ng pera sa templo ng mga Hudyo bilang kanilang handog sa Panginoon alinsunod sa kanilang batas. Napansin ni Hesus na ang mayayaman ay nagsipaghulog ng malalaking halaga, samantalang ang isang dukhang balo ay naghulog ng dalawang pirasong barya. Ang wika ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng babaeng iyon, bagamat siya’y dukha, ay ang buo niyang ikinabubuhay.”

Ang madalas na nakukuha nating aral sa kuwentong ito ay ang pagkabukas-palad ng dukhang biyuda. Subalit ang isang mahalagang aral na hindi gaanong nabibigyang-pansin ay kung gaano kalaki ang pagkagalit ng ating Panginoon sa mga pinuno ng templo. Bakit? Sapagkat sila ay nagkukunwaring banal at makadiyos, ngunit tinatanggap naman nila mula sa mga dukha ang mga alay na halos ikaubos ng kanilang ikinabubuhay.

 

We also would like to share with you ICSI’s Advent reflection guides. Hope you can share it with everyone at Veritas and with those who might be interested.

 

Sa ating lipunan ngayon, sinu-sino ang mga dukhang labis-labis ang pagbibigay mula sa kanilang karukhaan? At sinu-sino naman ang tumatanggap na nga ng hindi nila pinagpaguran, sila pa ang tinitingala ng mga tao?

Eleksyon nang muli, at maraming mga kandidatong nagpiprisintang maglingkod sa bayan. Marami sa kanila ay mapera, at dahil dito tinitingala ng mga botante kahit pa ang ilan sa kanila ay naiuugnay sa pagnanakaw sa kaban ng bayan at napatunayang hindi nagbabayad ng buwis.

Ang mga manggagawa, na siyang nakararami sa atin, ay maliliit ang kinikita. Sila ang mga magsasaka at mangingisdang nagpapakain sa atin. Sila ang mga tsuper, mga kargador, mga construction worker, janitor, security guard, guro, nars, manggagawa sa pabrika, nagtitinda sa palengke, at marami pa, na lahat ay may ambag sa pagpapapaunlad at pagpapagaan ng ating buhay.

Alam ba ninyong noong 2011, ang kayamanang angkin ng apatnapung pinakamayayamang Pilipino ay katumbas ng 76% ng gross domestic product o pambansang yaman ng Pilipinas? Noong 2016, ang ipon ng pinakamayayamang isang porsyento lamang ng ating populasyon ay katumbas ng 65% ng kabuuang ipon sa bansa. Samantala, ang ipon ng 99% ng mga Pilipino ay katumbas lamang ng 35% ng ipon sa buong bansa. Ganito kalaki ang agwat ng kinikita at naiipon ng mga mayayaman kumpara sa nakararaming mahirap sa ating bansa.

Paano kayang nagkaganito? Hindi kaya natin naiisip na ang mga may hawak ng mga pabrika, mga korporasyon, at malalaking negosyo ay maaaring hindi nagbibigay ng sapat na sahod sa kanilang mga manggagawa? At ang parehong malalaking mga negosyante at may-ari ng naglalakihang mga korporasyon sa bansa ay maaaring hindi nagbabayad ng wastong buwis na magagamit para sa ayuda at subsidiya para naman sa mga mahihirap? Kung minsan, ang buwis na nakokolekta, maliit na nga lang na bahagi ng dapat kolektahin, ay ninanakaw pa ng mga namumuno sa gobyerno. Ang gobyerno mismo, na siyang pinakamalaking taga-empleyo, ay maraming kontraktwal na mga manggagawang meron lamang job order o contract of service kaya mababa na ang sahod, wala pang mga benepisyo. Hindi nga ba dapat lang na magalit tayo sa ganitong kawalan ng hustisya, katulad ng pagkagalit ni Hesus sa mga mayayaman at opisyales sa templo na tumatanggap sa alay ng mga dukha?

Mga Kapanalig, maging ang ating Simbahan ay pinapaalala sa ating ang naglalakihang agwat sa yaman sa loob ng isang lipunan ay malaking iskandalo at sumisira sa dignidad ng tao at sa kapayapaan sa lipunan. Wika nga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium, ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay ang ugat ng lahat ng sakit ng lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 45,999 total views

 45,999 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,081 total views

 79,081 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 107,432 total views

 107,432 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,164 total views

 175,164 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 195,113 total views

 195,113 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,000 total views

 46,000 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,082 total views

 79,082 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 107,433 total views

 107,433 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,165 total views

 175,165 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top