Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,365 total reads

Mga Kapanalig, nagtapos kahapon ang taunang 18-day campaign to end violence against women (o VAW) sa ating bansa. Ginugunita ito tuwing Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 upang iangat ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa karahasang pinagdaraanan ng mga babae at upang paigtingin ang mga pagtuldok dito. Sa taong ito, layunin ng kampanyang itaas ang kaalaman ng marami sa Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act, o mas kilala bilang “Bawal ang Bastos Law”, na isinabatas noong 2019. Pinagtitibay ng batas na ito ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na ng kababaihan sa mga pampublikong lugar at maging sa cyberspace.

Tinataya ng World Health Organization na isa sa tatlong babae sa buong mundo ay nakaranas na ng pisikal at sekswal na karahasan sa kanilang tanang buhay. Dito sa Pilipinas, naitala sa 2017 National Demographic Health Survey na isa sa apat na Pilipina, edad 14 hanggang 59, ang nakaranas na ng pisikal, emosyonal, at sekswal na karahasan mula sa kanilang asawa o kinakasama. Ngayong panahon ng pandemya o mula noong Marso 2020 hanggang Agosto ngayong taon, halos 9,000 kaso ng VAW ang naiulat ng PNP Women Child and Protection Center.

Sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa maraming bansa at pagkakakulong ng mga tao sa loob ng mga tahanan, tumindi rin ang mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan, lalo na sa mga batang babae, sa cyberspace. Ayon sa 2020 State of the World’s Girls, kalahati ng 14,000 batang babae mula sa 31 bansa na sumagot sa survey ay nakaranas ng pang-aabuso online. Nasa 24% sa kanila ang nagsabing hindi ligtas ang pakiramdam, 42% ang nawalan ng self-esteem o kumpiyansa sa sarili, 42% ang nakaranas ng emotional at mental stress, at 18% ang nagkaproblema sa pag-aaral. Ilan sa mga sinasabing pangunahing dahilan ng pang-aabuso ay dahil bata at babae sila, miyembro sila ng mga minoryang grupo at ng LGBTQIA+ community, bukás silang nagsasalita tungkol sa pulitika, o kaya ay mga persons o children with disability. Ang mga platforms kung saan sila pinakamadalas makaranas ng pang-aabuso ay Facebook at Instagram. Ang mga karaniwang porma ng pang-abuso ay pangmamaliit sa kanilang opinyon, pagbabanta ng karahasan, at pag-atake sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanilang malalaswang litrato.

Mariing kinukundena ng Santa Iglesia ang anumang porma ng karahasan at pang-aabuso laban sa kababaihan o kanino man. Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahang ang bawat isa, anuman ang kanilang kasarian, ay may halaga at dignidad. Lahat ay nilikang kawangis ng Maykapal. Ang ating mga pagkakaiba sa kasarian, estado sa lipunan, maging relihiyon, ay pagkakataon upang magtulungan at sama-samang itaguyod ang isang mundong mas makatao at makatarungan. Sa halip na maging dahilan ng pagkakanya-kanya o pagkontrol sa isa’t isa batay sa kung sino ang itinuturing na mas makapangyarihan, ang ating mga pagkakaiba ay isang imbitasyong dagdagan ang lakas at punan ang kahinaan ng isa’t isa.

Para kay Pope Francis, ang karahasan at pang-aabuso laban sa kababihan ay isang porma ng kaduwagan.[4] Dagdag pa niya, ang patuloy na pang-aabuso sa mga babae ay kababaan ng sangkatauhan. Kaya naman maituturing na kawalan ng katarungan ang karahasan laban sa kababaihan. Kinakailangan itong mahinto sa loob ng mga tahanan, sa kalye, at maging sa cyberspace.

Mga Kapanalig, binibigyang diin sa Galacia 3:28: “Wala nang pagkakaiba ang Hudyo at Griyego, ang alipin at malaya, ang lalaki at babae; kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Hesus.” Hindi nagkatawang-tao si Hesus at inialay ang kanyang sarili para sa iilan. Ang buhay at kamatayan ni Hesus ay para sa lahat, walang pinipiling kasarian. Bilang mga tagasunod ni Hesus, nawa’y sama-samang nating itaguyod ang dignidad ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 4,584 total reads

 4,584 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 52,458 total reads

 52,458 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 156,504 total reads

 156,504 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 242,615 total reads

 242,615 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 312,604 total reads

 312,604 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Troublemaker

 4,585 total reads

 4,585 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 52,459 total reads

 52,459 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 242,616 total reads

 242,616 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »
Scroll to Top