Organisadong Panlilinlang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 882 total reads

Kapanalig, pumili tayo ng tamang panig na ating aaniban. Marami sa ating paligid ngayon ang nagyayakag na sumanib at magkaisa. Ingat tayo dahil maaring hindi people’s movement o simbahan, o team ang ating masalihan. Maaring kampon, sindikato, o organisadong panloloko ang makadale sa atin. Hindi lahat ng unity o pagkakaisa, ay para sa tao.

Makikita na lamang natin ito sa ating mga facebook groups. Ikaw ba kapanalig, ay maraming mga sinalihang facebook groups noon at ngayon? Naranasan mo ba na biglang nagbago ang pangalan ng facebook group mo? Bigla ka bang nalito na ang dating mong group na ukol sa history lamang ang usapan noon ay naging puro ukol na sa kandidato ang laman? Biglang tila naging troll farm ang group mo, at ikaw ay maari pang mapatalsik kung di aayon.

Naku, kapanalig. Naging malaking industriya na nga ang troll farm sa ating bayan. Nitong nakaraang taon, nanawagan na nga ng imbestigasyon ang senado ukol dito. Dahil sa troll farms, naging organisado at digital na ang panlilinlang sa mamamayan. Ang bayan na nga natin ang nangungunang research site ukol sa troll farms, dahil ito ang isa sa pangunahing rason ng pagkapanalo ng kasalukuyang rehimen sa ating bayan. Sukdulan nilang nagamit ang social media upang mapabango ang kanilang pangalan habang puro fake news naman ang lumalabas sa kanilang mga kalaban.

Ayon nga sa isang report mula sa University of Leeds, malawak na ang pagkalat ng fake accounts at paid influencers sa ating bayan. Sa pamamagitan nila, namamanipula ng mga political at PR strategists ang opinion, persepsyon, at pagpapasiya ng mga mamamayan. Networked disinformation na kanapalig, ang nagyari, ayon sa report, kung saan ang mga digital strategists ay nagtatrabaho kasama ang mga online celebrities na may may mga  tig 50,000 hanggang 2 million followers. Minsan, mas marami pa. Meron ding mga social media workers ang sumasideline gamit ang mga fake accounts sa Facebook at Twitter. Kaya nilang abutin ang humigit kulang na 73 million social media users sa ating bansa – mas madami pa ito kapanalig, sa tinatayang mga 62 million voters natin ngayong taon.

Kapanalig, huwag sana tayong malinlang ulit ng mga troll farms ngayong eleksyon. Nakita na natin ang modus operandi nila, huwag na sana tayong magpadala. Sa halip na sumanib sa troll farms, dapat tayo ay maging fact checker kapanalig. Dito natin masisiguro na katotohanan ang maglilipana sa ating bayan, hindi ang panlilinlang. Walang katahimikan diyan, kapanalig, walang kapayapaan. Ang pagpapalaganap ng katotohanan ay ating obligasyon. Ayon nga sa Octogesima Adeveniens: Tungkulin ng Simbahan na tulungan ang mga mamamayan na tuklasin ang katotohanan.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,100 total reads

 8,100 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 34,631 total reads

 34,631 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,190 total reads

 75,190 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 101,426 total reads

 101,426 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 149,693 total reads

 149,693 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,230 total reads

 170,230 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 34,632 total reads

 34,632 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,191 total reads

 75,191 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 101,427 total reads

 101,427 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top