Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Kapanalig, ang utang ay instrumento ng karamihan ng mga Filipino upang maka-survive sa araw-araw. Bitin kasi lagi, kapanalig, ang kita ng marami, lalo na ngayon. Kahit pa magtrabaho ang iba ng 18 oras kada araw, marami talaga sa atin ang di na mapagkasya ang sweldo. Nagbubukas pa lamang ang ating ekenomiya at marami pa ang bumabawi mula sa halos dalawang taong pagkalugmok ng ating ekonomiya.

Isa ngang ehemplo dito ay ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa ating bansa. Ang ating MSMEs ay gulugod ng ating ekonomiya pero pagdating sa mga krisis gaya ng pandemya o bagyo, sila ang isa sa mga pinaka-bulnerable. Madali silang malugi kaya ang pautang ay mahalaga sa kanila. Dahil nga kailangan lagi ng pampaikot para sa negosyo, marami sa kanila, sa 5-6 na kumakapit. Kapag di nila gagawin ito, maari silang magsara.

Dahil karaniwang impormal ang mga maliliit na negosyo, 5-6 lamang ang mga pautang na ma-access nila. Base nga sa isang pag-aaral, ang share ng mga MSME loans sa mga outstanding loans sa bangko noong 2019 ay 6.1% lamang. Ang mga bank loans sa MSMEs ay mga 3.2% lamang ng GDP natin ang halaga. Ang mga datos na ito ay nagpapakita na talagang kaunti lamang na mga MSMEs ang nakaka-utang sa mga bangko at financial institutions. Kaya nga’t marami na sa kanila ang nagsara noong kahitikan ng pandemic. Wala na talaga silang mailalabas pa na pampuhunan.

Ang sitwasyon ng mga MSMEs ang isa sa dapat tutukan ng ating bayan. Holistic din dapat ang approach. Liban sa pautang, kailangan natin ng mga polisiya na magsisiguro ng good business conditions para sa mga maliliit na entrepreneurs. Kasama dito ang pagbibigay atensyon sa mga karaniwang threats o banta sa survival ng mga maliit na negosyo, gaya ng mga health crisis, mga natural na sakuna, supply chain breakdowns, pati na ang mga digital scams.

Kapanalig, ang pagtutok sa kapakanan ng MSMEs ay sound economic decision. Ang MSMEs ang enerhiya ng ating bansa. Kapag sila ay buhay na buhay, ang ekonomiya natin ay patuloy na lalago, at mas dadami ang mga magkakata-trabaho. Lahat tayo ay makikinabang.

Ang pagprayoridad sa MSMEs ay ayon sa prinsipyo ng distributive justice – kung saan lahat ng uri ng mamayanan, kahit ano pa ang antas niya sa buhay ay nakikinabang sa bunga ng ekonomiya at lahat ng nilikha ng Panginoon. Hindi tama na lagi na lamang nasa laylayan ang mga maliit na negosyante, na nangangailangan laging kumapit sa patalim para lamang maka-survive o ma-isalba ang mga arawang pangangailangan. Ayon nga sa Second Vatican Council: The right to have a share of earthly goods sufficient for oneself and one’s family belongs to everyone. Ang pag-alaga sa kapakanan ng MSMEs ay pagsisiguro ng panlipunang katarungan at pagkikila sa dignidad ng bawat isa.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,990 total reads

 4,990 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,324 total reads

 29,324 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,883 total reads

 69,883 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,413 total reads

 96,413 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,679 total reads

 144,679 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,436 total reads

 165,436 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,325 total reads

 29,325 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,884 total reads

 69,884 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,414 total reads

 96,414 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top