Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok ng LASAC na tangkilikin ang Malasackit Bazaar

SHARE THE TRUTH

 706 total views

Inaanyayahan ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang bawat mamamayan at turistang bumibisita sa Batangas na makiisa sa proyektong Malasackit Bazaar.

Ayon kay Bhong Castillo, Social Enterprise Development Specialist ng Malasackit Bazaar, simula February 19 hanggang 21 ay gaganapin ang proyekto sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion Parish sa Batangas City, sa February 26 hanggang 28 naman sa Lobo Batangas at sa Marso ay sa Santa Teresita Parish sa San Jose Batangas.

Ang proyekto ay inilunsad noong 2015 kung saan ang mga damit at iba pang kagamitan na mapapakinabangan pa ay ibinebenta ng Malasackit Bazaar sa mas murang halaga.

20% ng kinikita ng proyekto ay napupunta sa parokya at mga simbahang pinagdarausan nito habang ang 80% naman ay inilalaan ng LASAC upang ipang-tulong sa mahihirap at relief efforts tuwing makakaranas ng sakuna ang lalawigan ng Batangas.

“Bale ang ginagawa po namin, yun pong participating parish po namin is binibigyan po namin ng 20% po net proceeds po nitong Malasackit Bazaar operations then yung remaining po nito is magiging pondo po siya ng LASAC para po sa mga program mostly po sa mga disaster response po,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Castillo.

Pagbabahagi ni Castillo, bukod sa mga nangangailangang natutulungan ng proyekto ay natutulungan din nito ang mga simpleng mamamayan dahil sa mas pinamurang halaga ng mga bilihin.

“Ang malaking impact din po nito is marami rin po tayong mga kababayan na hindi maka-afford ng mga kagamitan dahil sa mga labas po ay mahal dito po kasi is mura lang po nilang nabibili ang mga produkto po natin,” ayon pa kay Castillo.

Paanyaya pa ng opisyal ng LASAC sa bawat mamamayan ang pamamahagi ng kanilang mga kagamitang hindi na nagagamit ngunit mapapakinabangan pa, ito ay upang mapalawig ang Malasackit Bazaar na paraan sa pagtulong sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

“Ito po ay may dalawang paraan para po suportahan, ang una nga po ay ‘yung pagbili o pagtangkilik po sa mga items natin at ang pangalawa po ay ang pagbabahagi at pagdodonate po kung may mga kagamitan po kayo na hindi na ginagamit at maaari pang mapakinabangan ng iba, ito po ay pwede ninyong ibahagi sa amin at ito po ay ating iko-convert into cash at sa ganon po ay maipangtulong po natin sa mga kapatid po nating higit na nangangailangan,” ani Castillo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,169 total views

 17,169 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,257 total views

 33,257 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 70,977 total views

 70,977 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,928 total views

 81,928 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,599 total views

 25,599 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 24,876 total views

 24,876 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top