502 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon, 24 February 2022, Mk 9:41-50

Masyadong siryoso ang karaniwang image natin kay Jesus. Pero ako, batay sa mga nababasa ko sa mga ebanghelyo, sa tingin ko, palabiro siyang tao, may malakas na sense of humor. Palagay ko, maraming beses nagpapatawa siya, pero baka hindi na lang natin masakyan yung ibang jokes niya dahil iba na ang kultura natin ngayon sa kanila noon.

Kung minsan idinadaan niya sa biro pero, sa totoo lang, pinapaisip lang pala niya ang mga kausap niya. Katulad ng pagbasa natin ngayon. Pero wala naman akong nakitang natawa kaninang binabasa ni Fr Victor ang Gospel. Ang iba nga napansin ko napakunot-noo at parang nagtanong sa sarili, ANO DAW? Sino nga ba namang baliw ang gagawa noon, na kapag nainis siya sa isang bahagi ng katawan niya ang gagawing solusyon ay puputulin niya o dudukitin nya?

Hindi ba katawa-tawa, kung, halimbawa nagnakaw ka, tapos, pagagalitan mo ang kamay mo? Sasabihin mo sa kanya, “Napaka-bad mong kamay ka. Galit ako sa iyo dahil nandukot ka na naman. Nagkasala tuloy ako.” O kaya nagpunta ka sa sugalan at natalo lahat ng pera mo sa sugal. Tapos pagagalitan mo ang mga paa mo at sasabihin mo, “Galit ako sa inyong dalawa! Bad kayo! Dinala na naman ninyo ako sa sugalan!”

Maiintindihan mo pa kung talagang may diperensya yung taong magsabi ng ganoon. Halimbawa, yung Dutch painter na si Vincent Van Gogh. Ayon sa kuwento, pinutol daw niya ang isang tenga niya. Siguro dahil sa dami ng mga tinig na naririnig niya noong napapraning na siya. Hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang diperensya sa pag-iisip. Bakit mo naman pagagalitan ang kamay, o paa, o mata mo, e sariling isip mo ang nag-utos sa kanila na gumawa ng masama, di ba?

Talagang matalinghaga kung magturo si Hesus, kung minsan. Patatawanin ka muna, pero maya-maya paiiisipin ka. Sasabihin mo sa sarili, “Bakit kaya niya sinabi iyon?” Paraan lang yung joke para mapaisip kang mabuti, para makuha mo ang punto niya.

At ang katawan na tinutukoy ni Jesus ay hindi literal o indibidwal na katawan. Naghahalintulad lang siya. Si San Pablo meron din siyang sinabing ganoon—tayo, aniya, ay mga bahagi ng iisang katawan. Meron tayong iba’t ibang mga silbi o gawain pero kabahagi natin ang isa’t isa dahil bahagi tayo ng iisang katawan.

Nasusulat iyon sa 1 Corinthians 12. Nagpapatawa rin siya doon. Sasabihin daw ba ng tenga sa mata, dahil hindi siya mata, wala siyang kinalaman sa kanya o sa ibang bahagi?” Hindi ba mahihirapan ang bibig na sumubo ng pagkain kung hindi siya tutulungan ng mata para makita ang kinakain?

Kapag tumatawid ka ng kalsada, tapos di mo napansin ang paparating na sasakyan, pero bumusina ito at napalundag ka, hindi ba pinun’an ng tenga mo ang pagkukulang ng mata mo at naging paraan ito para mailigtas ang buhay mo? Ang punto, kahit totoong kung minsan nakakainis na talaga ang ibang tao o nakakapagkasala na ang iyong kapwa-tao sa ginagawa niya, hindi naman natin sila basta na lang puputulin o aalisin sa buhay natin, di ba? Lalo na kung ang mga taong iyon ay hindi iba sa atin. Hindi iyan kasing dali ng pag-unfriend sa FB. Isang click lang.

Pwede mo bang saktan ang isang taong mahal mo o kabahagi ng buhay mo na hindi mo nasasaktan ang mismong sarili mo? Hindi nga ba may kasabihan tayong mga Pilipino, “Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.”

May dagdag pa sa dulo ng ebanghelyo si Jesus. Medyo mahirap na ring intindihin sa panahon natin ngayon: tungkol naman sa asin at apoy. Pinagsama pa nga niya. Sabi niya, “Lahat ay aasinan ng apoy.”

Alam nila noon pa man na panlaban nila sa pagkabulok ang asin at apoy. Para magtagal ang karne noong unang panahon na wala pa silang mga refrigerator, inaasinan nila at pinauusukan ito.

Pero sa Gospel, mas tinutukan ni Jesus ang larawan ng asin. Delikado aniya ang mawalan ng alat sa buhay. Siguro kahit wala pa silang gaanong alam noon tungkol sa biology, kahit sa obserbasyon lang, alam nila na maalat ang luha at pawis ng tao. May asin. Importante ang alat sa buhay, kahit delikado rin naman ang masobrahan nito. Alam nilang kung minsan, kapag kulang sa asin ang tao, pag mababa ang sodium level niya, parang nababalisa siya at minsan hihimatayin pa.”

Kaya sinabi ng Panginoon, “Magkaroon kayo ng asin upang kayo ay maging payapa.” Ang tinutukoy din niya ay ang katawan, ang Santa Iglesya, ang samahan ng mga alagad na may misyon sa daigdig upang maging asin.

Noong unang panahon, sa binyag, bukod sa ritwal ng paglulubog sa tubig at pagbibigay ng ilaw ng nakasinding kandila, inaasinan din nang konti sa bibig ang binibinyagan. Parang ang simbahan ay samahan ng mga “inasinan” upang hindi sila madaling mahawa sa kabulukan at katiwalian na mabilis kumalat sa mundo.

Kapag may sigasig pa rin ang tao, kahit nagkakaedad na siya, sa Pilipino sinasabi natin, MAY ALAT PA SIYA. Iyong alat na tinutukoy ni Jesus at apoy na inilalarawan niya ay hindi negative kundi positive. Ito ay nakapagpapagaling, panlaban sa kasamaan, at nakapagdudulot ng pagkakaisa sa Katawan ni Kristo. Sa araw na ito ng pyesta ng ating Patrona, mga kapatid sa Mission Station ng Birhen ng Kapayapaan dito sa Letre, Malabon. Kung gusto ninyong maging tunay na mapayapa, sana panatilihin ninyo ang inyong alat ng sigasig bilang nagkakaisang mga alagad ni Kristo. May alat pa ba kayo?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 28,750 total views

 28,750 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 34,168 total views

 34,168 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,875 total views

 40,875 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 55,670 total views

 55,670 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 61,826 total views

 61,826 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 600 total views

 600 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 984 total views

 984 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 11,939 total views

 11,939 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,771 total views

 10,771 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,757 total views

 10,757 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,756 total views

 10,756 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,759 total views

 10,759 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,761 total views

 10,761 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,764 total views

 10,764 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,072 total views

 14,072 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,065 total views

 14,065 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,066 total views

 14,066 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,030 total views

 14,030 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,606 total views

 22,606 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,739 total views

 17,739 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top