Social Media at Eleksyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,369 total reads

Malaking hamon para sa ating bayan ngayon ang paparating na eleksyon. Matapos ang patayan dahil sa drug war, ang paghupa ng mga kaso ng COVID-19, at ang pagbagsak ng ating ekonomiya, marami na sa atin ang napagod at nasunog na sa sunod sunod na krisis na pinagdaanan ng ating bayan. Marami rin ang nagsawa na sa toxic na uri ng pamamahala. Puro patayan, pagmumura, pag-aagawan sa pwesto sa kongreso, misogyny o pagkamuhi sa babae, korupsyon, at pambabastos ang naging laman ng ating balitang pulitika nitong mga nakaraang mga taon. Mas marami ng tao ngayon ang nais ng liwanag.

Kaya lamang, ang pagnanais na ito ay kulang pa rin. Kailangan ng ating aksyon – mga pagkilos na hindi lamang natatapos sa ating pagboto. Kailangan nating maibaklas ang ating mga sarili mula sa makitid na pag-iisip na lalo pang pinapakitid ng ating malawakan at matagalang pag-gamit ng social media.

Kapanalig, sobra pa sa sampung oras ang pag-gamit ng Internet ng maraming Filipino ngayon. Higit pa sa kalahati ng ating mga adults ang nakatutok dito. Higit pa sa kalahati ng ating mga registered voters ay nasa edad 18-40 years old, na siyang ring age bracket na nakatutok sa social media.

Maganda sana ang social media kapanalig dahil gateway ito sa mas maraming impormasyon na mas makakapag-bukas ng ating isipan. Kaya lamang, tila kabaligtaran ang nangyari sa ating bayan. Sa halip na maging mas malawak ang ating mga pananaw, naging mas makitid pa. Napunta tayo sa mga echo chambers kung saan nakulong tayo sa mga pare-parehong pananaw at opinion na kadalasan ay mula pa sa mga dubious o di kapani-paniwalang sources. Mas kumalat pa ang narratives na nagpapayahag ng kasinungalingan, fake news, at hate o poot.

Napaka-delikado nito kapanalig para sa darating na eleksyon, pati na rin sa demokrasya. Nakita naman natin kung ano ang nangyari sa bansa nitong nakaraang mga taon. Nais pa ba natin maulit ang halos araw-araw na patayan, kapanalig? Gusto mo pa ba ng korupsyon?

Maging mapanuri tayo kapanalig. Huwag tayo magpapaniwala sa mga fake news. Sa kakapaniwala natin dito, mas lalo itong kumakalat, at mas lalong humihigpit ang kapit nito sa atin. Sa social media, kapag ang feed mo ay laging mula sa sources ng fake news, mas dadalhin ka pa nito sa mas maraming sites ng fake news na iisipin  mo na lahat ng sinasabi nito ay reyalidad na o totoo, kahit pa katawa-tawa, absurd o ridiculous na ang impormasyong binibigay nito.

Naku, kapanalig, buksan na natin ang ating mga mata. Sabi nga sa Evangelii Gaudium: We should recognize how in a culture where each person wants to be bearer of his or her own subjective truth, it becomes difficult for citizens to devise a common plan which transcends individual gain and personal ambitions.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,500 total reads

 51,500 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,089 total reads

 131,089 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,536 total reads

 164,536 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,834 total reads

 199,834 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,308 total reads

 424,308 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 51,501 total reads

 51,501 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,090 total reads

 131,090 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,537 total reads

 164,537 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,835 total reads

 199,835 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top