Ang dangal at karapatan ng kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,138 total reads

Happy International Women’s Day sa ating mga babaeng Kapanalig!

Dito sa Pilipinas, ang buwan ng Marso ay itinalaga namang National Women’s Month. Layunin ng mga pagdiriwang na itong kilalanin ang tagumpay at ambag ng kababaihan sa iba’t ibang larangan, pahalagahan ang kanilang mga karapatan, at isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Higit isang siglo na mula nang simulan ang pagdiriwang ng International Women’s Day, ngunit marami pa ring kailangang gawin upang makamit ang mga nasabing hangarin, lalo na ngayong may pandemya.

Ayon sa report ng UN Women na inilabas noong Nobyembre 2021, isa sa dalawang babae sa buong mundo ang nagsabing sila o may kakilala silang babaeng nakaranas ng pang-aabuso mula nang mag-umpisa ang pandemya. Pito sa sampung babae naman ang naniniwalang tumaas ang kaso ng domestic violence o karahasan mismo sa loob ng tahanan. Tatlo sa limang babae ang naniniwalang tumindi ang sekswal na pang-aabuso sa mga pampublikong lugar sa kabila ng pandemya. Dalawa sa limang babae naman ang nagsabing lumalala ang estado ng kanilang emotional and mental health.

Dito sa Pilipinas, noong 2018, halos 6% ng mga babae edad 15 hanggang 49 ang nagsabing nakaranas sila ng sekswal at/o pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang mga dati o kasalukyang kapareha o kinakasama. Patuloy ding mababa ang pakikilahok ng kababaihan sa pamamahala dito sa bansa. Ayon sa Philippine Commission on Women (o PCW), mula 1998 hanggang 2016, hindi pa aabot sa 25% ang mga babae sa kabuuang bilang ng mga naihahalal sa puwesto.  Dagdag ng PCW, nakaugat ito sa tradisyunal na paniniwalang ang pulitika at pamamahala ay hindi para sa kababaihan, isang karaniwang punáng madalas nating naririnig ngayon laban sa mga babaeng kandidato sa kabila ng kanilang mahuhusay na track record.

Ang tema ng International Women’s Day para sa taóng ito ay “Break the Bias.” Sa temang ito, lahat ay inaanyayahang pangarapin ang isang mundong malaya sa diskriminasyon, isang mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay, lahat ay malaya, at lahat ay kasama. Ang Women’s Month naman sa bansa ay may temang “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”. Ang pagkilala sa mga hangarin at pagtugon sa pangangailangan ng mga babae ay mahalagang bahagi ng daan tungo sa kaunlaran. Sa mensahe ng mga pagdiriwang na ito, binibigyang-diing wala dapat mga babaeng inaabuso, at lahat nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng kaunlaran.

Katulad ng sinasabi sa Genesis 1:27, ”nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; nilalang Niya silang lalake at babae.” Pundasyon ito ng paalala ng mga panlipunang turo ng Simbahang lahat tayo ay may pantay na dignidad dahil sa katotohanang lahat ay nilikhang kawangis ng Diyos. Walang kinikilingang kasarian ang Diyos. Ang mga pagkakaiba-iba ng mga kasarian ay bahagi ng magandang plano ng Diyos. Sa ating pagkakaiba sa ilang katangian at kakayanan, pinupunan natin ang lakas at kahinaan ng bawat isa. Kaya naman maituturing na kalapastanganan sa hangarin ng Diyos ang pang-aabuso, pagsasantabi, at pangmamaliit sa kababaihan. Taliwas ito sa plano Niyang pagtutulungán ng lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian.

Sinabi ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng taóng ito, ang pananakit sa kababaihan ay pag-insulto sa Diyos na nagkatawang-tao sa pamamagitan ng isang babae. Hindi kailanman magiging katatangap-tanggap ang baluktot na paniniwalang mahina ang mga babae o ayos lamang na abusuhin sila, silang mga nagluwal sa atin sa mundo.

Mga Kapanalig, nawa’y maging daan ang International Women’s Day at National Women’s Month upang makibahagi tayo sa pagtataguyod sa dangal at karapatan ng kababaihan. Sama-sama nating pandayin ang isang lipunang may pagpapahalaga at paggalang sa mga babae.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 11,096 total reads

 11,096 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 110,230 total reads

 110,230 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,498 total reads

 154,498 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,611 total reads

 177,611 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 252,035 total reads

 252,035 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 11,097 total reads

 11,097 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 110,231 total reads

 110,231 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,499 total reads

 154,499 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,612 total reads

 177,612 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top