Robredo, inendorso ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,104 total reads

Inendorso na ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo sa darating na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Sa opisyal na pahayag ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity, ibinahagi ng konseho na bunga ang naturang desisyon ng process of discernment ng mga opisyal at kasaping layko ng arkidiyosesis na kinabibilangan ng mga serye ng pagpupulong, talakayan at konsultasyon.

Partikular rin na tinukoy ng konseho na nagsilbing gabay para sa kanilang pagninilay at pagdidesisyon ang mga nakapaloob sa “Aral ng Batangueño” na naglalaman ng mga turo ng Simbahan.

Ayon sa Lipa Archdiocesan Council of the Laity na pinangungunahan ng pangulo nito na si Maria Elizabeth I. Quinto, ang kanilang aktibong pagkikisangkot sa nakatakdang halalan ay tugon ng mga layko sa arkisiyosesis sa hamon ng Second Plenary Council of the Philippines (PCP 2) na pangunahan ng mga layko ang paghubog sa civic conscience ng mga botante.

Ipinaliwanag ng konseho na hindi lamang limitado sa non-partisan involvement ang pakikisangkot ng mga layko sa usapin ng pulitika sapagkat higit na kinakailangan ang pangunguna ng mga layko sa principled partisan participation sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato.

Kabilang sa mga pamantayan at katangiang kinilatis ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity ay ang pagiging matapat, makatotohanan, may paninindigan at may tunay na intensyong maglingkod sa bayan ng mga kumakandidato para sa pagkapangulo kung saan higit na nangibabaw si Vice President Leni Robredo.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,845 total reads

 6,845 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,024 total reads

 7,024 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,944 total reads

 21,944 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,373 total reads

 144,373 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,737 total reads

 194,737 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,795 total reads

 321,795 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,281 total reads

 406,281 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top