Oil deregulation law, ipawalang-bisa na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang Public Affairs Committee ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo kasunod ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, dapat nang ipawalang-bisa ang Republic Act 8479 o ang Oil Deregulation Law upang muling makontrol ng pamahalaan ang presyo ng produktong petrolyo.

Taong 1998 nang aprubahan ang RA 8479 kung saan tinanggalan ng kapangyarihan ang pamahalaan upang pahintulutan ang mga kumpanya ng langis ng kakayahang makipagkompetensya para sa suplay at pagpepresyo ng mga produktong petrolyo.

“Dahil sa Oil Deregulation Law, pakiusap lang ang pwedeng gawin ng pamahalaan sa mga oil producer na pababain ang presyo ng petrolyo. At dahil pakiusap lang, wala itong pangil na agarang pagpapasunod sa mga oil producer na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang produkto,” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng pari na mas makabubuti ring babaan o tuluyan nang tanggalan ng excise tax ang mga produktong petrolyo dahil lalo lamang itong nakadaragdag sa pang-araw-araw na pasanin ng publiko.

Ipinaliwanag ni Fr. Secillano na bagamat makakaapekto ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay mapapagaan naman nito ang buhay ng bawat mamamayan lalo na ang mga nasa sektor ng transportasyon.

“Malaking kabawasan ito sa kaban ng gobyerno ngunit ito ay isang pamamaraan ng dakilang paglilingkod kung saan ang kapakanan ng taumbayan ang pinahahalagahan at hindi ang pagpapayaman ng pamahalaan,” ayon sa pari.

Hinimok naman ng opisyal ang Administrasyong Duterte na bigyan rin muna ng subsidiya o tulong ang mga drayber ng pampublikong sasakyan upang panandaliang makaraos sa kabila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Kung gagawin ito ng gobyerno, mawawalan ng dahilan ang mga operator at driver na humirit ng dagdag pasahe na lalo pang magpapabigat sa bulsa ng mga ordinaryong pasahero,” giit ni Fr. Secillano.

Simula kahapon, tumaas ng tatlo hanggang anim na piso ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa na inaasahang madadagdagan pa sa mga susunod na linggo.

Batay sa ulat ng Department of Energy na magmula noong Enero ng kasalukuyang taon, tumaas ang presyo ng gasolina sa ₱9.65 kada litro, ang diesel sa ₱11.65 kada litro, at ang kerosene naman ay tumaas ng ₱10.30 kada litro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,308 total reads

 13,308 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,314 total reads

 112,314 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,584 total reads

 156,584 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,695 total reads

 179,695 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,043 total reads

 254,043 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,501 total reads

 144,501 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top