Pari, umalma sa red tagging sa TFDP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Umalma si Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa pagtaguri ng isang kolumnista sa TFDP bilang ‘communist front’ mula noong panahon ng Martial Law.

Ayon sa Pari, hindi katanggap-tanggap ang naturang red-tagging laban sa grupo na naglalantad sa kapahamakan sa buhay ng mga kawani at iba pang mga katuwang na Human Rights Defenders (HRDs) ng Task Force Detainees of the Philippines.

Ang pahayag ni Fr. Buenafe ay kasunod ng inilathala ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao sa “The Manila Times” noong March 7, 2022 na may titulong “Fake news on detentions, tortures, and killings under Marcos,” kung saan tinagurian ang TFDF na ‘communist front’ na may tungkuling palakihin ang bilang ng mga bilanggong pulitikal noong panahon ng Batas Militar.

“Communist-controlled TFD?!?! Red tagging is real and it endangers the lives of our staff and fellow HRDs (Human Rights Defenders),” pahayag ni Fr. Buenafe.

Matatandaang una ng tiniyak ng Pari ang patuloy na pagsusulong sa karapatang pantao ng mga Pilipino ng (TFDP) makalipas ang mahigit sa apat na dekada mula ng maitatag ito ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) noong 1974 sa kasagsagan ng Batas Militar.

Bukod sa legal na tulong ay nagkakaloob rin ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng moral at pang-espiritwal na paggabay sa mga political prisoners at kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan bukod sa pagtulong sa mga political prisoners sa bansa ay aktibo rin ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa pagsusulong sa karapatang pantao ng mga manggagawa, mag-aaral, maralita at mga mamamayang naaabuso sa lipunan partikular na sa inilunsad na War on Drugs ng administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 14,821 total reads

 14,821 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 113,751 total reads

 113,751 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 158,021 total reads

 158,021 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 181,132 total reads

 181,132 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 255,421 total reads

 255,421 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top