VeritasPH

The Word, The Truth

Ang dangal at karapatan ng kababaihan

SHARE THE TRUTH

 446 total views

Happy International Women’s Day sa ating mga babaeng Kapanalig!

Dito sa Pilipinas, ang buwan ng Marso ay itinalaga namang National Women’s Month. Layunin ng mga pagdiriwang na itong kilalanin ang tagumpay at ambag ng kababaihan sa iba’t ibang larangan, pahalagahan ang kanilang mga karapatan, at isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Higit isang siglo na mula nang simulan ang pagdiriwang ng International Women’s Day, ngunit marami pa ring kailangang gawin upang makamit ang mga nasabing hangarin, lalo na ngayong may pandemya.

Ayon sa report ng UN Women na inilabas noong Nobyembre 2021, isa sa dalawang babae sa buong mundo ang nagsabing sila o may kakilala silang babaeng nakaranas ng pang-aabuso mula nang mag-umpisa ang pandemya. Pito sa sampung babae naman ang naniniwalang tumaas ang kaso ng domestic violence o karahasan mismo sa loob ng tahanan. Tatlo sa limang babae ang naniniwalang tumindi ang sekswal na pang-aabuso sa mga pampublikong lugar sa kabila ng pandemya. Dalawa sa limang babae naman ang nagsabing lumalala ang estado ng kanilang emotional and mental health.

Dito sa Pilipinas, noong 2018, halos 6% ng mga babae edad 15 hanggang 49 ang nagsabing nakaranas sila ng sekswal at/o pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang mga dati o kasalukyang kapareha o kinakasama. Patuloy ding mababa ang pakikilahok ng kababaihan sa pamamahala dito sa bansa. Ayon sa Philippine Commission on Women (o PCW), mula 1998 hanggang 2016, hindi pa aabot sa 25% ang mga babae sa kabuuang bilang ng mga naihahalal sa puwesto.  Dagdag ng PCW, nakaugat ito sa tradisyunal na paniniwalang ang pulitika at pamamahala ay hindi para sa kababaihan, isang karaniwang punáng madalas nating naririnig ngayon laban sa mga babaeng kandidato sa kabila ng kanilang mahuhusay na track record.

Ang tema ng International Women’s Day para sa taóng ito ay “Break the Bias.” Sa temang ito, lahat ay inaanyayahang pangarapin ang isang mundong malaya sa diskriminasyon, isang mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay, lahat ay malaya, at lahat ay kasama. Ang Women’s Month naman sa bansa ay may temang “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”. Ang pagkilala sa mga hangarin at pagtugon sa pangangailangan ng mga babae ay mahalagang bahagi ng daan tungo sa kaunlaran. Sa mensahe ng mga pagdiriwang na ito, binibigyang-diing wala dapat mga babaeng inaabuso, at lahat nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng kaunlaran.

Katulad ng sinasabi sa Genesis 1:27, ”nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; nilalang Niya silang lalake at babae.” Pundasyon ito ng paalala ng mga panlipunang turo ng Simbahang lahat tayo ay may pantay na dignidad dahil sa katotohanang lahat ay nilikhang kawangis ng Diyos. Walang kinikilingang kasarian ang Diyos. Ang mga pagkakaiba-iba ng mga kasarian ay bahagi ng magandang plano ng Diyos. Sa ating pagkakaiba sa ilang katangian at kakayanan, pinupunan natin ang lakas at kahinaan ng bawat isa. Kaya naman maituturing na kalapastanganan sa hangarin ng Diyos ang pang-aabuso, pagsasantabi, at pangmamaliit sa kababaihan. Taliwas ito sa plano Niyang pagtutulungán ng lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian.

Sinabi ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng taóng ito, ang pananakit sa kababaihan ay pag-insulto sa Diyos na nagkatawang-tao sa pamamagitan ng isang babae. Hindi kailanman magiging katatangap-tanggap ang baluktot na paniniwalang mahina ang mga babae o ayos lamang na abusuhin sila, silang mga nagluwal sa atin sa mundo.

Mga Kapanalig, nawa’y maging daan ang International Women’s Day at National Women’s Month upang makibahagi tayo sa pagtataguyod sa dangal at karapatan ng kababaihan. Sama-sama nating pandayin ang isang lipunang may pagpapahalaga at paggalang sa mga babae.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,619 total views

 12,619 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,604 total views

 20,604 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,140 total views

 28,140 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,125 total views

 44,125 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,169 total views

 52,169 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 12,620 total views

 12,620 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 20,605 total views

 20,605 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 28,141 total views

 28,141 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 44,126 total views

 44,126 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 52,170 total views

 52,170 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,065 total views

 46,065 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,490 total views

 44,490 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,276 total views

 46,276 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,201 total views

 43,201 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,515 total views

 57,515 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,205 total views

 61,205 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,808 total views

 59,808 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,795 total views

 69,795 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,763 total views

 73,763 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,650 total views

 84,650 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top