Gawing prayoridad ang mga commuters

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Mga Kapanalig, new normal kung tawagin ang mga bagong pamumuhay natin ngayong may pandemya, ngunit nariyan pa rin ang dati nang problema sa ating mga siyudad katulad ng kakulangan ng maayos at mahusay na pampublikong transportasyon.

Ngayong niluwagan na ang mga paghihigpit sa paglabas ng mga tao, marami sa atin ang muli na namang sasabak sa kalbaryo ng pagko-commute. Bago pa man ang pandemya, bahagi na ng buhay ng isang commuter ang mahabang pila sa MRT o LRT; ang pakikipagsiksikan sa bus, dyip, o tren; pagkaipit sa napakabigat na daloy ng trapiko; ang pakikipagpatintero ng mga nagbibisikleta at naglalakad sa mga kasabayan nilang sasakyan. Ngayong sinasabing nasa new normal na tayo, ito pa rin ang mga isyung kinakaharap at haharapin ng mga kababayan nating walang sariling sasakyan. Ang tanong, hanggang kailan kaya magtitiis ang mga commuters sa ganitong sitwasyon sa araw-araw, gayong may banta pa rin ng pagkalat ng COVID-19?

Ayon sa grupong Move As One Coalition, karapatan natin ang makataong mobilidad: maayos na mga daanan at ligtas at maaasahang pampublikong transportasyon. Sa katunayan, 95% ng mga pamilyang Pilipino ay may miyembrong commuter, ngunit mababa pa sa 25% ang nakalaang espasyo para sa mga sasakyang ginagamit nila. Sa ating mga lansangan, kapansin-pansing naisasantabi ang mga walang sariling sasakyan na silang mas nakararami. Paliwanag naman ng grupong AltMobility, dahil ito sa mga programa at patakaran ng pamahalaang pabor lang sa mga may pribadong sasakyan. Halimbawa, layunin ng ipinagmamalaking “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte na paramihin ang imprastraktura upang solusyunan daw ang malalang problema sa trapiko. Dahil ang ipinatatayong mga highways, skyways, at expressways ay nakalaan lang para sa mga sasakyan at dahil walang espasyo para sa mga bikelanes at sidewalks, mas maeengganyo pa ang mga taong bumili at gumamit ng sasakyang nagpapalalâ pa ng polusyon sa hangin at sa trapiko. Kaugnay nito, iyon lang ding may mga sariling sasakyan ang mas nakikinabang sa mga proyektong ito. Sa halip na magsilbing solusyon, nagiging ilusyon lang ang mga imprastrakturang ito na makakatulong daw sa paglutas ng problema sa trapiko, gayong ang mga ito mismo ang lumilikha ng problema.

Dahil sa pagkakaroon ng tinatawag na “car-centric” na patakaran ng pamahalaan, nagkaroon din ng pananaw at pagtingin ang maraming Pilipinong mahirap o hassle ang mag-commute. Ang nagiging tingin ng marami, magulo ang sistema ng pampublikong transportasyon at delikado ang maglakad at magbisikleta. Mahalagang gumawa ng mga patakaran at programang maghihikayat sa mga taong mas piliing mag-commute, at ito sana ang maging prayoridad ng susunod na administrasyon. Panahon na ring bigyang-pansin ang pagsasaayos o pagpapabuti sa kalagayan ng mga pasilidad ng mga pampublikong transportasyon.

Mahalaga ang transportasyon sa kahit saang lipunan. Ito ang tanging paraan upang makarating ang mga tao sa kanilang destinasyon katulad ng kanilang trabaho o eskwelahan, bilihan ng pagkain at pangangailangan, at pagamutan at ospital. Kung sapat ang ginagawang aksyon ng mga ahensyang dapat na tumutugon sa krisis sa pampublikong transportasyon, giginhawa ang paggalaw ng mga tao, mababawasan ang mga aksidente sa kalsada, mababawasan ang polusyon, at tunay na mapaglilingkuran ang taumbayan.

Sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, ipinaliwanag ni Pope Francis na dapat laging handang makinig sa iba pang pananaw at magbigay ng puwang para sa lahat ang mga nasa pamahalaan nang sa gayon ay walang naiiwan. Mahalagang bukás sila sa mga hinaing ng mamamayang pinaglilingkuran nila, kabilang ang mga commuters.

Mga Kapanalig, gaya ng winika ni Hesus sa Mateo 20:26, “kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba.” Malinaw na ang pamumuno ay tungkol sa paglilingkod, at kabilang rito ang pagbibigay-pansin sa kapakanan ng mga ordinaryong mananakay.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,102 total views

 50,102 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 55,520 total views

 55,520 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 62,227 total views

 62,227 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 77,020 total views

 77,020 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 83,176 total views

 83,176 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,103 total views

 50,103 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 55,521 total views

 55,521 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 62,228 total views

 62,228 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 77,021 total views

 77,021 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 83,177 total views

 83,177 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,805 total views

 41,805 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,389 total views

 52,389 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,606 total views

 60,606 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,839 total views

 44,839 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,815 total views

 50,815 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,908 total views

 53,908 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,613 total views

 43,613 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,501 total views

 44,501 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,804 total views

 59,804 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,213 total views

 72,213 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top