May ibang paraan upang kumita ang pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 434 total views

Mga Kapanalig, dahil sa pandemya, marami sa mga nakasanayang gawin natin katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho, pagpapatingin sa doktor, at pamimili ng grocery ay online na. Ngunit pati ang mga bisyong katulad ng pagsusugal ay naging online na rin.

Bagamat matagal nang may online gambling, mas nauso ngayon ang online sabong o e-sabong. Dahil sa pagbabawal na buksan ang mga sabungan upang hindi magkumpulan ang mga tao, nanonood na lamang ang mga sabungero sa kanilang cellphone ng live na laban ng mga panabong na manok, at doon na rin sila nakikipagpustahan at tumataya. Kung ang operasyon ng mga sabungan ay kailangang may pahintulot ng lokal na pamahalaan, ang online sabong naman ay nasa ilalim ng regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR). Pinatatakbo naman ng mga tinatawag na agents ang mga platforms kung saan nanonood at tumataya ang mga kasapi nilang sabungero. Hindi rin daw maaaring makapanood ang isang tao nang hindi tumataya. Ayon sa PAGCOR, ang industriya ng sabong ay nagkakahalaga ng 75 bilyong piso, kaya mahirap daw itong mawala lalo na’t may mga kababayan tayong dito kumukuha ng kabuhayan.

Sinabi noon ni Pangulong Duterte na tutol siya sa lahat ng uri ng pagsusugal dahil sa tinatawag na social costs nito o mga epektong nakasisira sa buhay at relasyon ng mga tumataya. Talamak din daw ang game-fixing o dayaan, at mahirap daw para sa gobyernong tiyaking hindi mahuhumaling ang kabataan sa mga ito. Ngunit kamakailan, pinayagan niya ang pagpapatuloy ng online sabong dahil daw sa ipinapasok nitong pera sa ating kaban. Kailangang-kailangan daw ang perang ito upang matustusan ang pagtugon ng pamahalaan sa nagpapatuloy pa ring pandemya at upang mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiyang pinilay ng pandemya. Nakumbinsi siya sa sinabi ng PAGCOR na maaaring umabot sa 8 bilyong piso ang kikitain ng pamahalaan ngayong taon mula lamang sa regulatory fees na babayaran ng mga lisensyadong magsagawa ng e-sabong.

Nakalulungkot isiping mas nangingibabaw sa ating pamahalaan ang perang makukuha mula sa mga nagsusugal kaysa sa nakababahalang epekto nito sa mga tao. Halimbawa, hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang mahigit sa 30 taong sangkot sa e-sabong na nawawala. Mayroon pang balita tungkol sa isang magulang na ibinenta ang sarili niyang anak sa halagang ₱45,000 para mabayaran ang inutang niyang perang ipinantaya sa online sabong. Ilan lamang ang mga ito sa mga nakababahala at nakatatakot na bunga ng pagkalulong sa sugal, ngunit handa ang ating pamahalaang isantabi ang mga ito kapalit ng sinasabing maidadagdag nito sa pondo ng bayan.

Kung dagdag na pondo din lang ang pag-uusapan, bakit hindi na lang habulin ng pamahalaan ang mga malalaking tao at negosyong hindi nagbabayad ng tamang buwis? Bakit hindi nito wakasan ang katiwaliang naglalagay ng pera ng bayan sa bulsa ng mga sakim na tao sa gobyerno? Ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at korapsyon ay ilan lamang sa mga itinuturing ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Evangelii Gaudium na ugat ng kawalan ng kakayahan ng mga pamahalaang tiyaking nakikinabang ang lahat sa bunga ng kaunlaran. Siguradong mas malaki pa ang kikitain ng pamahalaan mula sa paghabol sa mga tumatakas sa pagbabayad ng buwis at sa mga kurakot, kaysa sa kitang mula sa pagsusugal, na iilan lamang ang nakikinabang at sumisira sa buhay ng ating mga kababayan.

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Mga Taga-Efeso 4:28, tayo, lalo na ang ating mga lider, ay tinatawagang “igawa ang [ating] mga kamay na mabuting bagay nang may maibigay sa nangangailangan.” Huwag lang tayong umasa sa mga bagay na magbibigay nga ng mabilis na pera, ngunit sumisira naman sa ating buhay at dignidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 8,745 total views

 8,745 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 14,163 total views

 14,163 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 20,870 total views

 20,870 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 35,669 total views

 35,669 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 41,825 total views

 41,825 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 8,747 total views

 8,747 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 14,165 total views

 14,165 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 20,872 total views

 20,872 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 35,671 total views

 35,671 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 41,827 total views

 41,827 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 38,203 total views

 38,203 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 48,787 total views

 48,787 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 57,004 total views

 57,004 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 41,237 total views

 41,237 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 47,213 total views

 47,213 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 50,306 total views

 50,306 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 40,011 total views

 40,011 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 40,899 total views

 40,899 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 56,202 total views

 56,202 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 68,611 total views

 68,611 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top