End game ng war on drugs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Mga Kapanalig, noong isang linggo inilunsad ng Philippine National Police (o PNP) ang tinatawag nilang “endgame” o ang finale ng war on drugs ni Pangulong Duterte. Sa mga huling buwan ng administrasyong Duterte, “upgraded” na raw ang magiging tugon ng pamahalaan sa problema ng droga sa bansa. Ayon kay PNP Chief Dionardo Carlos, kasabay ng “new normal” sa ating pamumuhay ang muling pagbabalik nila sa mga lansangan at komunidad upang tulungan ang mga biktima ng ipinagbabawal na gamot at ipagpatuloy ang pagsugpo sa supply nito.

Binansagan ang final stage ng war on drugs na Anti-Illegal Drugs Operation through Reinforcement and Education (o ADORE). Kasama ang Department of Health, Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Social Welfare and Development, at mga lokal na pamahalaan, tututukan daw ng ADORE ang pag–abot sa mga biktima ng iligal na droga at pagtulong sa kanilang paggaling o recovery. Sa ilalim ng ADORE, bibigyan ng suporta ang tinatayang 1.2 milyong drug surrenderees o mga sumuko sa awtoridad mula pa noong ilunsad ang giyera kontra iligal na droga noong 2016.

Maliban dito, bibigyang-diin din daw sa ADORE ang kahalagahan ng edukasyon at information dissemination tungkol sa paggamit ng iligal na droga. Kaugnay nito, inilunsad din ng DOH ang Substance Abuse Helpline 1-5-5-0 na maaaring tawagan upang magbigay impormasyon at agarang tulong sa mga gumagamit ng iligal na droga. Dagdag pa ni DOH Secretary Francisco Duque, ang paggamit ng iligal na droga at pag-abuso rito ay isang medikal na kondisyong maaaring magamot kung may tamang suporta mula sa pamahalaan hanggang sa komunidad. Hangad niyang mapatibay ng ADORE ang lahat ng barangay antidrug abuse councils at maging kabalikat sila sa pagtulong sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Magandang balita ang paglipat ng tuon ng pamahalaan sa isyu ng droga mula sa marahas na pamaraan patungo sa pagsuporta at pagbibigay ng medikal na atensyon sa mga gumagamit ng droga. Gayunpaman, patuloy ang panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng madugong war on drugs, na batay sa opisyal na datos ng PNP ay nasa anim na libo ang namatay sa mga antidrug operations. Sa bilang naman ng mga human rights groups, nasa 30,000 ang pinatay.  

Ang dignidad at buhay ng tao ay kinakailangang sentro ng anumang programa o pagtugon nng pamahalaan sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan na walang makabuluhang pagbabagong mangyayari sa lipunan kung hindi ito mag-uumpisa sa pagkilala sa dignidad ng tao at tutungo sa kanyang kaunlaran. Samakatuwid, tungkulin ng bawat isa, lalo na ng mga nasa pamahalaan, na siguruhing naitataguyod at napoprotektahan ang dignidad at buhay ng lahat.

Hangad natin ang maayos at makataong pagpapatupad ng ADORE o ang endgame ng war on drugs. Mahalaga ang pagbibigay ng suportang naaayon sa pangangailangan mismo ng mga taong gumagamit ng iligal na droga. Importanteng mapakinggan sila at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit huwag nating kalimutang papanagutin ang mga nagpadanak ng dugo sa pagpapatupad ng kampanya laban sa iligal na droga. Hindi maituturing na matagumpay ang isang kampanyang ibabaon lamang sa limot ang pagyurak sa dignidad ng tao, lalo na ng mga inosente.

Mga Kapanalig, sinasabi sa Mateo 7:12: “Kaya’t anumang nais ninyong gawin sa inyo ng iba, gayundin ang gawin ninyo sa kanila.” Sa finale na ito ng war on drugs, nawa’y magawa nating tunay na makinig at tumulong sa mga kapatid nating gumagamit ng iligal na droga at sa mga naulila ng war on drugs. Magwawagi lamang tayo sa endgame na ito kung makikita natin ang isa’t isa bilang mga kapwa nating may dignidad.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 236,277 total reads

 236,277 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 268,007 total reads

 268,007 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 369,831 total reads

 369,831 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 410,394 total reads

 410,394 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 421,208 total reads

 421,208 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 236,278 total reads

 236,278 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 268,008 total reads

 268,008 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 369,832 total reads

 369,832 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 410,395 total reads

 410,395 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top