Nalulong sa iba’t-ibang bisyo, inaanyayahan sa SuGod renewal program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 748 total views

Inaanyayahan ng Surrender to God (SuGod) recovery progam ng Archdiocese of Cebu ang mga nalulong sa iba’t-ibang uri ng adiksyon na makiisa sa kanilang renewal program.

Ayon kay SuGod Executive Director Fe Barino, kasalukuyang pangulo ng Cebu Archdiocesan Commission on the Laity bukas ang programa lalo na sa mga kasapi ng LGBTQIA+ na nagnanais magbagong buhay.

“There is hope for everyone; SuGod welcomes any person with problem on addiction who needs help and willing to Surrender to God,”pahayag ni Barino.

Tiniyak ng pamunuan ng SuGod na ligtas at bukas ang lugar para sa mga nagnanais panibaguhin ang pananaw sa buhay lalo na ang mga nagumon sa bisyo at iba pang uri ng adiksyon.

Nanawagan si Barino na samantalahin ang libreng programa para sa mas maayos at mapayapang pamayanan.

“The program is free, courtesy of the many people who care to contribute for a peaceful society, free from drugs,” ayon pa ni Barino. Pangangasiwaan ang recovery program ng mga vounteer facilitators na dumaan sa pagsasanay para sa scientific at faith-based approached sa addiction prevention.

Bukod pa rito ang ilang pari ng arkidiyosesis na nakatutok sa programa para sa paghuhubog pang espirituwal kasama ang prayer vigil adorer’s ng Love of God charismatic community na itinatag ni Barino.

Isasagawa ang programa sa March 28 hanggang 31 sa DAP Training Center sa Compostela Cebu.

Matatandaang pinasimulan ni Barino ang programa noong 2016 na malaking tulong sa paglunsad ng malawakang drug war campaign ng administrasyong Duterte kung saan libu-libong drug surrenders ang natulungan ng programa na makapagbagong buhay.

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan lamang kay JayR Reynes sa cellphone number 0956-0389972.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,387 total views

 48,387 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,610 total views

 78,610 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,261 total views

 105,261 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,234 total views

 200,234 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 218,177 total views

 218,177 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top