Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

End game ng war on drugs

SHARE THE TRUTH

 194 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo inilunsad ng Philippine National Police (o PNP) ang tinatawag nilang “endgame” o ang finale ng war on drugs ni Pangulong Duterte. Sa mga huling buwan ng administrasyong Duterte, “upgraded” na raw ang magiging tugon ng pamahalaan sa problema ng droga sa bansa. Ayon kay PNP Chief Dionardo Carlos, kasabay ng “new normal” sa ating pamumuhay ang muling pagbabalik nila sa mga lansangan at komunidad upang tulungan ang mga biktima ng ipinagbabawal na gamot at ipagpatuloy ang pagsugpo sa supply nito.

Binansagan ang final stage ng war on drugs na Anti-Illegal Drugs Operation through Reinforcement and Education (o ADORE). Kasama ang Department of Health, Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Social Welfare and Development, at mga lokal na pamahalaan, tututukan daw ng ADORE ang pagabot sa mga biktima ng iligal na droga at pagtulong sa kanilang paggaling o recovery. Sa ilalim ng ADORE, bibigyan ng suporta ang tinatayang 1.2 milyong drug surrenderees o mga sumuko sa awtoridad mula pa noong ilunsad ang giyera kontra iligal na droga noong 2016.

Maliban dito, bibigyang-diin din daw sa ADORE ang kahalagahan ng edukasyon at information dissemination tungkol sa paggamit ng iligal na droga. Kaugnay nito, inilunsad din ng DOH ang Substance Abuse Helpline 1-5-5-0 na maaaring tawagan upang magbigay impormasyon at agarang tulong sa mga gumagamit ng iligal na droga. Dagdag pa ni DOH Secretary Francisco Duque, ang paggamit ng iligal na droga at pag-abuso rito ay isang medikal na kondisyong maaaring magamot kung may tamang suporta mula sa pamahalaan hanggang sa komunidad. Hangad niyang mapatibay ng ADORE ang lahat ng barangay antidrug abuse councils at maging kabalikat sila sa pagtulong sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Magandang balita ang paglipat ng tuon ng pamahalaan sa isyu ng droga mula sa marahas na pamaraan patungo sa pagsuporta at pagbibigay ng medikal na atensyon sa mga gumagamit ng droga. Gayunpaman, patuloy ang panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng madugong war on drugs, na batay sa opisyal na datos ng PNP ay nasa anim na libo ang namatay sa mga antidrug operations. Sa bilang naman ng mga human rights groups, nasa 30,000 ang pinatay.  

Ang dignidad at buhay ng tao ay kinakailangang sentro ng anumang programa o pagtugon nng pamahalaan sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan na walang makabuluhang pagbabagong mangyayari sa lipunan kung hindi ito mag-uumpisa sa pagkilala sa dignidad ng tao at tutungo sa kanyang kaunlaran. Samakatuwid, tungkulin ng bawat isa, lalo na ng mga nasa pamahalaan, na siguruhing naitataguyod at napoprotektahan ang dignidad at buhay ng lahat.

Hangad natin ang maayos at makataong pagpapatupad ng ADORE o ang endgame ng war on drugs. Mahalaga ang pagbibigay ng suportang naaayon sa pangangailangan mismo ng mga taong gumagamit ng iligal na droga. Importanteng mapakinggan sila at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit huwag nating kalimutang papanagutin ang mga nagpadanak ng dugo sa pagpapatupad ng kampanya laban sa iligal na droga. Hindi maituturing na matagumpay ang isang kampanyang ibabaon lamang sa limot ang pagyurak sa dignidad ng tao, lalo na ng mga inosente.

Mga Kapanalig, sinasabi sa Mateo 7:12: “Kaya’t anumang nais ninyong gawin sa inyo ng iba, gayundin ang gawin ninyo sa kanila.” Sa finale na ito ng war on drugs, nawa’y magawa nating tunay na makinig at tumulong sa mga kapatid nating gumagamit ng iligal na droga at sa mga naulila ng war on drugs. Magwawagi lamang tayo sa endgame na ito kung makikita natin ang isa’t isa bilang mga kapwa nating may dignidad.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 6,226 total views

 6,226 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 20,994 total views

 20,994 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 28,117 total views

 28,117 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 35,320 total views

 35,320 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 40,674 total views

 40,674 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 6,227 total views

 6,227 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 20,995 total views

 20,995 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 28,118 total views

 28,118 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 35,321 total views

 35,321 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 40,675 total views

 40,675 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,068 total views

 43,068 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,402 total views

 35,402 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 74,982 total views

 74,982 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,536 total views

 82,536 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,419 total views

 78,419 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 89,966 total views

 89,966 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,073 total views

 94,073 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 70,970 total views

 70,970 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 70,938 total views

 70,938 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 70,289 total views

 70,289 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top