Labor, transport, at employers group, hindi magkakasundo sa 4-day work week scheme

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total views

Magkakaiba ang pananaw ng mga labor, transport at employers group sa pagsusulong ng National Economic Development Authority (NEDA) ng “4-days Work week” upang maibsan ang pasakit ng napakataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa mga manggagawa.

Ang 4-days work week ay ang panuntunan kung saan ipatutupad ang apat na araw kada linggo at hanggang sampung oras na pagpasok ng mga manggagawa.

Nangangamba ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magdudulot ng karagdagang gastos sa produksyon ang mga manufacturers at kompanya dahil sa pagkaantala ng produksyon ng mga produkto at trabaho ng mga manggagawa.

Ayon pa Kay Sergio Luis Ortiz – Pangulo ng ECOP, maaring gamitin ng mga mapagmalabis na employers ang panuntunan upang bawasan at basta na lamang tanggalin sa trabaho ang kanilang mga manggagawa.

“Mayroon mga disadvantages yan na hindi naman siguro makakatipid sa hinahabol, number 01 baka abusihin ng ibang employers yan unang-una dahil walang bayad ang overtime niyan kung magta-trabaho yung 2 shifts makukuha niya yung target niya, baka matanggal pa sa trabaho yung 3rd shift kasi malaki ang matitipid nila wala na yung 3rd nila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ortiz.

Una naming nagpahayag ang Trade Union Conggress of the Philippines (TUCP) na huwag gawing sapilitan ang 4-day work week.

Iginiit naman ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na makakabut ito para sa mga manggagawa ng Pilipinas dahil magbibigay ito ng isang araw na part-time jobs o ibang pamamaraan upang kumita.

Inihayag ni Orlando Marquez – Pangulo ng LTOP,na hindi rin makakasama o makakabawas sa kita ng transport sector ang hakbang.

Nagpahayag rin ang ibat-ibang kagawaran katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Energy (DOE) sa pagpapairal ng 4-days work week sa parehong mga pribado at pampulikong kompanya.

Unang nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng huwag ng pahirapan pa ang mga manggagawang naranasan ang ibat-ibang suliraning dulot ng pandemya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 52,873 total views

 52,873 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 83,096 total views

 83,096 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 109,747 total views

 109,747 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 204,720 total views

 204,720 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 222,380 total views

 222,380 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top