Ang Lokal na Gobyerno ay Dapat Maging Tunay na Lingkod-Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Ang pangunahing responsibilidad, kapanalig, ng mga kawani ng mga lokal na gobyerno ay ang kapakanan ng mga constituents nito. Ayon nga mismo sa ating local government code, “Within their respective territorial jurisdictions, local government units shall ensure and support, among other things, the preservation and enrichment of culture, promote health and safety, enhance the right of the people to a balanced ecology, encourage and support the development of appropriate and self-reliant scientific and technological capabilities, improve public morals, enhance economic prosperity and social justice, promote full employment among their residents, maintain peace and order, and preserve the comfort and convenience of their inhabitants.”

Mula sa simpleng pamantayan na ito mula sa ating sariling batas, nagagawa ba ng mga kawani ng local government units ninyo ang kanilang obligasyon?

Ang tanong na ito ay mahalagang pagnilayan, lalo pa’t parating na, kasama ng national elections, ang local elections. 45 days before the election, simula na ang kampanya para sa lokal na eleksyon. Pihadong babahay-bahayin na ng mga kandidato ang mga tao, kahit hindi pa tapos ang pandemya. May lakas loob kaya tayong maitatanong sa mga kandidato kung ano ang nagawa na nila para sa atin? May resibo na ba sila?

Sa ngayon pa lamang, kita na nga natin sa ilang mga LGUs na sa halip pakinggan ang boses ng kanilang mga  constituents, busy sila sa pakikipag-alyansa sa mga national candidates, at ang nakakalungkot, ginagawa nila ito sa ngalan ng mga constituents. Dapat bang ipangako ng isang pinuno ng lungsod o bayan ang boto ng kanilang mga mamamayan sa mga national candidates? Tunay bang kinakatawan ng mga lokal na pinuno ang pulso ng kanilang mga mamamayan? Ang kanila bang pagpapasya at pakikipag-alyansa ay tunay bang para sa mamamayang kanilang pinagsisilbihan o para sa kanilang sariling ganansya?

Kapanalig, hindi bawal mangampanya para sa mga nasyonal na kandidato ang ating lokal na pinuno. Sa katunayan, mahalaga ang payo ng mga pinuno ukol sa ganitong bagay, lalo na kung matuwid at mapapagkatiwalaan ang pinuno. Ang hindi tama ay ang manghimasok sa pagpapasiya ng mamamayan at gamitin ito bilang tila alay o tribute – na tila ang mamamayan ay kanilang pag-aari na pwedeng iprenda sa kahit sinoman. Ang ganitong pinuno ay hindi karapadat-dapat na tawaging lider o lingkod bayan. Walang matinong lider ang mangangako sa ngalan ng bayan ng hindi man lamang makikinig sa mamamayan.

Kapanalig, hindi tayo kasangkapan o ari-arian ng mga lider na bayan. Ang boses natin ay mahalaga. Ang boto natin ang nagluluklok sa kanila sa kapangyarihan. May angkop na paalala ang Pacem In Terris sa sitwasyong ito: The human individual, far from being an object and, as it were, a merely passive element in the social order, is in fact, must be and must continue to be, its subject, its foundation and its end.” Bahagi ng ating dignidad ang pakikilahok sa gobyerno. Kung hindi na matinong serbisyo ang alay ng pinuno, “deserve” nating mawala na ang mga ito. Magbigay tayo ng suporta sa tunay na na lingkod-bayan, hindi sa mga nagha-hari-harian.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 240,908 total reads

 240,908 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 272,637 total reads

 272,637 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 374,463 total reads

 374,463 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 415,024 total reads

 415,024 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 425,578 total reads

 425,578 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 240,909 total reads

 240,909 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 272,638 total reads

 272,638 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 374,464 total reads

 374,464 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 415,025 total reads

 415,025 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top