Krus ni Hesus, sagisag ng tagumpay at buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,405 total reads

Pinaalalahanan ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na ang Krus ni Hesus ay sagisag ng tagumpay at buhay na walang hanggan.

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa paggunita ng senternaryo ng Pagkakatuklas sa Imahe ng Mahal na Krus sa Tondo, Manila.

Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng Banal na Krus ay niyakap ni Hesus ang kamatayan upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan.

“Jesus our Savior, our wonderful God, reaches us out and embrace the second tree, the tree of the cross and turns the tree of death into the tree of life; and that is the mystery of our faith,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Tinukoy ng Nuncio ang buong kababaang-loob na pagyakap at pagbayubay ni Hesus sa krus upang iligtas ang tao sa kamatayang dulot ng kasalanan.

Hamon ni Archbishop Brown sa mananampalataya na yakapin ang Krus ng buhay sa anumang hamong kinakaharap sapagkat sinasagisag ng krus ang tagumpay tungo sa buhay na walang hanggan.

“Because of Jesus’ obedience to the Father, it becomes for us the source of life, because Jesus reaches out and embraces the tree of death on the cross; but he triumphs death, rises from the dead and the cross then becomes not a symbol of death, but a symbol of life,” ani ng Nuncio.

Ayon sa kasaysayan, natagpuan ni Crispino Lacandaso ang imahe ng krus ng biyakin ang puno ng Sampaloc noong Marso 23, 1922 sa Gagalangin Tondo Manila.

Kalaunan itinayo ang kapilya ng Kambal na Krus na dinadayo ng mga deboto at mananampalataya upang maghandog ng panalangin sa Banal na Krus ni Hesus.

Sa Ika – 100 Anibersaryo ng Pagkakatuklas ng Krus pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagbabasbas sa marker ng kapilya na nilagdaan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ito ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila sa pamumuno ni Father Joselino Tuazon at pagtutulungan ng komunidad kasama ang pamilya ni Lacandaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 240,905 total reads

 240,905 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 272,634 total reads

 272,634 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 374,460 total reads

 374,460 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 415,021 total reads

 415,021 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 425,575 total reads

 425,575 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top