492 total views
Hinikayat ni Mati Bishop Abel Apigo ang mga parokya na maglunsad ng prayer vigil para sa kapayapaan ng mundo lalo na sa Ukraine.
Ito ang mensahe ng obispo kasabay ng pakikiisa ng simbahan sa Pilipinas sa pagtatalaga sa Russia at Ukraine sa kalinga ng Kalinis-linisang Puso ni Maria sa March 25.
“It is also highly encouraged that you organize prayer vigils or holy hour/s for the intentions of Ukraine and for world peace,” bahagi ng pahayag ni Bishop Apigo.
Sa sirkular ng Obispo, inatasan nito ang mga pari ng diyosesis na maglaan ng misa sa March 25 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Paghahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon para dasalin ang Act of Consecration to the Immaculate Heart of Mary.
Sinabi ng obispo na pansamantalang ipagpaliban ang pagdarasal sa Oratio Imperata upang bigyang daan ang Act of Consecration.
Ipinamahagi na rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kopya ng panalangin mula sa Vatican na isinalin sa Tagalog at Cebuano.
Apela ni Bishop Apigo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa pagkakaisa at pagkakamit ng kapayapaan sa buong mundo.
“Let us continue to pray for the peace in Ukraine and of the whole world. We believe that through the intercession of the Blessed Mother peace will be attained,” ani ng obispo.
March 25 sa alas singko ng hapon isasagawa sa St. Peter’s Square ang ‘penance at act of consecration’ na pangungunahan ni Pope Francis sa natatanging intensyong kapayapaan sa Russia at Ukraine.
Makibahagi naman si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagtatalaga kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang gaganapin sa Manila cathedral sa alas sais ng gabi