TDCL, nagpahayag ng suporta kay Robredo

SHARE THE TRUTH

 494 total views

Nagpahayag ng suporta ang Tarlac Diocesan Council of the Laity sa kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.

Sa opisyal na pahayag ng Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Tarlac, binigyang diin ng grupo ang kahalagahan ng pagpili ng lider ng bansa na may tunay na pagnanais na maglingkod sa bayan at tugunan ang mga suliraning panlipunan.

Ipinaliwanag ng Tarlac Diocesan Council of the Laity na nakasalalay sa desisyon ng bawat botante sa darating na Mayo a-nuebe ang pag-unlad o pagkasira ng bansa sa ihahalal na lider.

Iginiit ng grupo na hindi na dapat pang maulit ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa kaya’t kailangang maging mapanuri ang bawat isa at hingin ang paggabay ng Panginoon sa pagdedesisyon.

“We are to choose a leader that holds a history of addressing poverty and justice issues. Our decisions on May 9, 2022 have real ramifications. It matters who will lead. The wrong leader can ruin our country and destroy liberties. A painful part of the history of the Filipino people should never be repeated.” bahagi ng opisyal na pahayag ng Tarlac Diocesan Council of the Laity.

Nilinaw ng Tarlac Diocesan Council of the Laity na matapos ang mga serye ng process of discernment ay natukoy ng grupo na si Vice President Leni Robredo ang nagtataglay ng mga katangiang naaangkop upang pamunuan ang bansa bilang pangulo.

Kabilang sa mga katangiang ito ang pagkakaroon ng kahanga-hangang prinsipyo, kawalan ng bahid kurapsyon at track record na patunay ng kanyang mga kakayahan at pagtugon sa mga nangangailangan.

“We advocate for a leader who has clear convictions about what is right and wrong and respected for being genuine, principled, ethical and consistent. The Tarlac Diocesan Council of the Laity (TDCL) ExeCom supports a leader who is morally trustworthy and acts responsibly for the good of all. We support presidential candidate, Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo.” Paglilinaw ng grupo

Samantala nagpahayag rin ng suporta ang Tarlac Diocesan Council of the Laity sa Buhay Hayaan Yumabong Party-List (BUHAY Partylist) na nagsusulong ng ganap na proteksyon at pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang, mga may kapansanan, matatanda at mga naisasantabi sa lipunan.

“The TDCL ExeCDom likewise calls for the people’s support to a party-list that acknowledges the sanctity and value of human life. Buhay Hayaan Yumabong Party-List (BUHAY) ‘professes to protect and support the unborn, the sick, the disabled and other not capable of protecting themselves alone, through observance of the basic right to live’.” Pagbabahagi pa ng TDCL.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 138 total views

 138 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,162 total views

 21,162 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,134 total views

 40,134 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,799 total views

 72,799 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,809 total views

 77,809 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top