CEED, naalarma sa kalagayan ng Verde Island Passage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

Suportado ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) ang panawagan ng United Nations sa mga pamamaraan ng pagtitipid at wastong paggamit ng tubig lalo na sa mga tahanan.

Inihayag ng CEED na hindi dapat balewalain ng mamamayan ang mga mapaminsalang industriya lalo na sa mga kumpanyang nagsasagawa ng “extractive and dirty energy”, na nagdudulot ng panganib sa lupa, dagat, at iba pang yamang tubig.

“By bringing pollution to these bodies of water through run-off wastes, water intake for cooling and other operations, these industries deprive communities in the Philippines and across the globe their right to access clean water while also killing off marine ecosystems,” pahayag ng CEED.

Inihalimbawa ng CEED ang Verde Island Passage (VIP) na sakop ang mga lalawigan ng Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon, na kilala bilang sentro ng “marine shore fish biodiversity”.

Nanganganib itong masira dahil sa banta ng patuloy na operasyon ng mga fossil gas plants at malaking pipeline ng bagong Liquified Natural Gas (LNG).

Maliban dito, nakakaapekto rin sa mga yamang tubig ang nilalabas na kemikal mula sa mga coal-fired power plants, maging sa mga lugar ng minahan, partikular na sa Semirara Island sa Antique, Didipio sa Nueva Vizcaya, at iba pa.

Iginiit naman ng CEED na ang pagkamit ng layunin sa pagkakaroon ng malinis na tubig para sa lahat ay tagumpay sa pagtulong sa mga komunidad.

“This we must do not only by conserving and managing our use of water, but also by ending destructive industries and making way for genuinely sustainable practices, such as transitioning to clean energy from renewables,” ayon sa CEED.

Nito lamang Marso 22 ay ipinagdiwang ang World Water Day na layuning paigtingin ang kamalayan ng dalawang bilyong populasyon sa buong mundo na nabubuhay nang walang maayos na mapagkukunan ng malinis na tubig.

Nilalayon din nito na pagtuunan ang pagsisikap na makamit ang UN Sustainable Development Goal o SDG No. 6-water and sanitation for all by 2030.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 240,895 total reads

 240,895 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 272,624 total reads

 272,624 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 374,450 total reads

 374,450 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 415,011 total reads

 415,011 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 425,565 total reads

 425,565 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,882 total reads

 143,882 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top