Isa pang Diocesan Council of the Laity, nagpahayag ng suporta kay Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 905 total reads

Dumarami na ang mga Diocesan Council of the Laity na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.

Nagpahayag ng suporta ang Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque para sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Parañaque, ang desisyon ay resulta ng isinagawang personal discernment process at consensus building ng mga layko sa diyosesis para sa halalan sa ika-9 ng Mayo 2022.

Kabilang sa mga pinagbatayan ng mga layko ng diyosesis ay ang track record; mga nagawa ng kandidato sa kanyang kasalukuyang at mga nakalipas na posisyon; kredibilidad; katapatan; plataporma; academic credentials; at plano para sa pagpapaangat sa sitwasyon ng mga mahihirap.

Bukod dito binigyang diin rin ng Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kandidato ng mga prinsipyo at paninindigan na naaayon sa posisyon ng Simbahan sa iba’t ibang mga usapin tulad na lamang ng diborsyo, abortion, same sex marriage at paggalang sa karapatang pantao.

“We seriously evaluated the candidates’ proven track record of capability as a servant leader, competence in the past and present roles, integrity, probity, moral ascendancy, honesty, demonstrated genuine compassion for the marginalized, vision and plans for the country, alignment with the Catholic Church on key issues such as divorce, abortion and same sex marriage, and undisputed academic credentials,” pahayag ng Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque.

Aminado ang Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Parañaque na bagamat hindi perpekto si Robredo ay tiwala naman ang lahat na mas higit nitong magagampanan ng may buong pananagutan at dignidad ang posisyon bilang Pangulo ng bansa.

“Gathering together the results of our individual discernment, we have come to a unanimous conclusion that Leni Robredo is most deserving to be our country’s next President. While she may not be perfect, we nonetheless believe she will discharge the duties and responsibilities of the President with competence and dignity,” dagdag pa ng Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Parañaque.

Ang Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque ay isa lamang sa mga grupo ng Sangguniang Laiko sa buong bansa na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo matapos na magsagawa ng “circles of discernment” o mga serye ng pagsusuri at pagninilay.

Read:

TDCL, nagpahayag ng suporta kay Robredo

Robredo, inendorso ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity

Unang nilinaw ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Rev. Fr. Jerome Secillano na hindi maituturing na “block voting” ng mga Katoliko ang ginagawang pag-endorso ng mga Sangguniang Laiko ng iba’t ibang diyosesis sa isang kandidato sa halip ay isang pagsusulong ng adbokasiyang “circles of discernment” na naaayon sa katuruan ng Simbahang Katolika.

Read:

Endorsement ng samahan ng mga layko kay Robredo, hindi kumakatawan sa mga lider ng Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,257 total reads

 59,257 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,753 total reads

 145,753 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,790 total reads

 188,790 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,549 total reads

 238,549 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,891 total reads

 396,891 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top