Maging mulat sa nagaganap sa daigdig, paalala ni Bishop David sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 816 total reads

Lawakan pa ang atensyon sa mga nagaganap hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig.

Ito ang panawagan sa bawat Filipino ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa patuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa banal na misa para sa Consecration of Russia and Ukraine to the Immaculate Heart of Mary kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon o Solemnity of the Annunciation of our Lord, binigyang diin ng Obispo na bagamat mahalagang maging mapagbantay sa May 2022 elections ay dapat maging mulat ang kamalayan ng lahat sa iba’t-ibang panganib na kinahaharap ng daigdig.

“Alam ko nakatuon ang pansin nating lahat ngayon sa eleksyon dito sa Pilipinas pero mga kapatid lawak-lawakan naman natin ang atensyon natin dahil nanganganib, nanganganib ang daigdig.”
panawagan Bishop David.

Ayon sa Obispo, naaangkop na pagkakataon ang panahon ng Kuwaresma upang higit na magdasal at ipanalangin na ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa sa kapahamakan tulad ng COVID-19 virus at ang banta ng pandaigdigang digmaan mula sa kaguluhan nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Tiniyak ni Bishop David na ang pananalangin ay pinaka-epektibong tugon sa oras ng kawalan ng pag-asa at kawalan ng tiyakan sa buhay.

“Siguro kaya biglang dumami ang tao noong Ash Wednesday parang biglang naging totoo sa ating lahat hindi lang dahil sa COVID-19, ngayon dahil sa giyera na ang tao puwede niyang pulbusin ang daigdig, gawing abo. Nandoon na tayo sa bingit ng bangin malapit na malapit na, andito tayo ngayon desperado kaya kailangan nating magdasal.” Dagdag pa ni Bishop David.

Nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine noong ika-24 ng Pebrero kasunod ng tangkang pananakop ng Russia sa Ukraine kung saan tinatayang umaabot na sa 3-milyong mga Ukrainians ang napilitang umalis ng bansa dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Patuloy na nakikiisa ang C-B-C-P sa panawagan ng Santo Papa Francisco na pananalangin para sa muling pagtatalaga sa Russia at Ukraine sa pangangalaga ng Kalinis-linisang Puso ni Maria upang makamit ang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 26,384 total reads

 26,384 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 110,572 total reads

 110,572 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 204,903 total reads

 204,903 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 266,589 total reads

 266,589 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 311,050 total reads

 311,050 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top