Hustisya at Karahasan sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,722 total reads

Ang ating Justice System ba ay tunay na nagbibigay ng hustisya sa ating mga kababaihan? Patas ba ang pagtingin ng ating justice system pagdating sa gender o kasarian ng mga mamamayan? Ang mga biktimang babae, lalo na ang mga mahihirap, bata,  at walang kapangyarihan, may access sa hustisya sa ating bansa?

Napakahalaga ng access to justice, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Para sa mga maraming mga babae, isa ito sa mga batayang serbisyo ng bayan na kritikal hindi lamang para maging patas ang ating lipunan, kundi para na rin sa kanilang survival.

Ayon nga sa United Nations, bago pa man mag pandemya, marami ng kababaihan ang nakakaranas ng karahasan mismo sa kanilang mga tahanan at pamayanan. Hindi lahat ng karahasan na ito ay ating nakikita o nabibilang dahil hindi nagrereport o nagsusumbong ang karamihan sa mga biktima dahil sa takot at hiya. Tinatayang bago magpandemya, mas kaunti pa sa 40% ng mga kababaihan ang nagrereport ng karahasang kanilang naranasan. Simula noong 2022 kung kailan kabi-kabila ang lockdowns at hanggang ngayon, kung kailan may may mga mobility restrictions pa sa ibang bansa, mas maraming kababaihan pa ang hindi nakakapag-report ng domestic violence o anumang karahasang kanilang nararanasan. Kaunti lamang din ang nakakahingi ng tulong. Sa unang hakbang pa lang tungo sa hustisya, kapanalig, may balakid na agad ang kababaihan.

Kailangang mabago ito sa ating lipunan. Kailangan may paraan ang mga kababaihan upang kanilang mailahad ang anumang karahasang kanilang pinagdadaanan. Walang babae, kahit anumang edad, ang dapat makulong o ma-trap sa isang sitwasyong ikapapahamak niya. Kailangang ng ating lipunan ng sistema at stratehiya upang maging abot-kamay ang tulong at hustisya sa kababaihang biktima ng karahasan.

Ang ilan sa mga kongkretong aksyon na maaring maisagawa sa lipunan ay ang pagkakaroon ng hotline kung saan babae rin ang sasagot. Marami sa mga biktima ng karahasan ay hirap na maglahad ng kanilang pinagdadaanan, lalo na kung lalake ang kausap. Ang hotline na ito ay dapat maging bukas 24/7, at ang mga sumasagot ay kailangang handa makinig, makapagbigay ng payo at impormasyon, at makapag-refer sa angkop na ahensya, gaya sa pulis,  sa hospital, o sa DSWD.

Ang house to house visits ay maari ring masagawa sa barangay level. Kung kaya nating mag-ikot ikot para mangampanya, di hamak namang mas kaya nating maghouse to house ang mga qualified health and social welfare workers upang icheck ang kalagayan ng mga marginalize, gaya ng bata, babae, at matatanda sa barangay. Malaking bagay ito dahil maabot natin ang mga biktimang hindi makakapag-report sa otoridad.

Ilan lamang ito kapanalig. Marami pa ang ating magagawa para sa mga biktima ng karahasan sa ating paligid. Ang hustisya, kapanalig, ay para sa lahat, pero mas dapat matanggap ito ng mga salat at walang kapangyarihan. Sabi nga sa Caritas in Veritate: charity demands justice. Kilalanin natin at respetuhin ang lehitimong karapatan ng lahat ng mga indibidwal, lalo na ang mga bulnerableng kababaihan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 12,370 total reads

 12,370 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 111,434 total reads

 111,434 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 155,704 total reads

 155,704 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,815 total reads

 178,815 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 253,182 total reads

 253,182 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 12,371 total reads

 12,371 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 111,435 total reads

 111,435 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 155,705 total reads

 155,705 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,816 total reads

 178,816 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top