Obispo, hinimok ang mga kandidato na isulong ang ‘renewable energy’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Hinimok ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga kandidato para sa nalalapit na 2022 National and Local Elections na patuloy na isama sa mga plataporma at programa ang pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Santos, Central Luzon Regional Representative ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat na isulong ng sinumang mahahalal na lider ng bayan ang pamumuhunan para sa renewable energy na tiyak na mura, malinis, at ligtas para sa kapaligiran lalo na sa kalusugan ng mga tao.

Ito’y sa kabila ng pagsusulong sa nuclear energy na kamakailan lamang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 164 o ang pagpapatibay sa tungkulin ng bansa para sa nuclear energy program.

“As for our political candidates, make your advocacies to make use of renewable energy. No to nuclear power plant,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang mga presidential candidates na sang-ayon sa pagsusulong ng renewable energy ay sina Ka Leody de Guzman, Vice president Leni Robredo, at Manila City Mayor Isko Moreno.

Suportado naman nina former Senator Bongbong Marcos, at Senator Ping Lacson ang nuclear energy.

Matagal nang nananawagan sa pamahalaan ang iba’t ibang makakalikasang grupo laban sa muling pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Ang lalawigan ng Bataan ang tahanan ng BNPP na ipinagawa sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972 at natapos noong 1984.

Nagkakahalaga ito ng $2B na hindi rin nagamit matapos ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Korean Electric Power Company (KEPCO) na aabot sa isang bilyong dolyar ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa 631-megawatt BNPP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 39,884 total reads

 39,884 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 145,606 total reads

 145,606 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 182,393 total reads

 182,393 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 212,969 total reads

 212,969 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 259,795 total reads

 259,795 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 56,727 total reads

 56,727 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top