Pahalik sa Poong Hesus Nazareno, binuksan sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,750 total reads

Ibinahagi ng Minor Basilica of the Black Nazarene na bubuksang muli sa publiko ang ‘pahalik’ sa imahe ng Poong Hesus Nazareno.

Umaapela naman si Father Douglas Badong, parochial vicar ng basilica sa mga deboto na mahigpit na sundin ang safety protocol upang makaiwas mahawa ng COVID-19.

“Muling mahahawakan ang mismong imahen ng Poong Hesus Nazareno na nasa itaas ng altar ng simbahan ng Quiapo. Unti-unti nating ibabalik ang ‘pahalik’. Ipinapakiusap sa mga deboto na pumila ng maayos at sumunod sa mga safety protocols,” pahayag ni Fr. Badong sa panayam ng Radio Veritas.

Bagamat nasa ilalim ng alert level 1 ang National Capital Region mahigpit na ipinatutupad sa loob at labas ng simbahan ang safety protocol tulad ng pagsusuot ng facemask at physical distancing ng mga deboto.

Matatandaang isinara sa publiko ang nakaugaliang pahalik sa imahe ng Poong Hesus Nazareno nang magsimula ang pandemya noong 2020 bilang hakbang na maiwasan ang transmission ng nakahahawang virus.

Sa ginanap na Traslacion 2021 at 2022 sa halip na isagawa ang tradisyunal na pahalik ay ginawa ang ‘pagtanaw’ kung saan iniluklok ang replica image ng poon sa harapan ng simbahan upang matanaw ng mga deboto.

Patuloy na pinag-iingat ng simbahan at pamahalaan ang publiko laban sa banta ng virus bagamat mahigit na sa kalahati ng 110-milyong mamamayan ng bansa ang nakatanggap ng kompletong bakuna sa COVID-19.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 79,187 total reads

 79,187 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 162,213 total reads

 162,213 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 256,546 total reads

 256,546 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 318,230 total reads

 318,230 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 360,132 total reads

 360,132 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top