Grupo ng mga unibersidad at kolehiyo, nanawagan sa mga kandidato na ilatag ang education agenda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 836 total reads

Nagkaisa ang mga unibersidad at kolehiyo sa bansa sa pananawagan sa mga kandidato sa pagkakaroon ng kongkretong education agenda.

Sa pamamagitan ng isang pahayag, ay nagkaisa ang Philippine Association of Colleges and University (PACU), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities (PAPSCU) at Unified TVET of the Philippines (UniTVET) sa pananawagan sa mga kandidato sa pambansa at lokal na posisyon sa pamahalaan na tutukan ang kalagayan at sistema ng edukasyon sa bansa.

Ipinaliwanag ng grupo na kabilang ang education sector sa pinaka-naapektuhan ng COVID-19 pandemic na nagdulot ng malawakang krisis at pagbabago hindi lamang sa sistema ng edukasyon sa kundi maging sa pangkabuuang kalagayan ng buhay at pang-ekonomiya sa Pilipinas.

“We jointly issue this call to all Presidential, national and local candidates in the May 9, 2022 elections to present a strong education agenda as a matter of highest priority. Like in many countries worldwide, the Philippine education sector is among those that have suffered their hardest blows since the COVID-19 pandemic began to cause severe and extensive damage to our economy.”nagkakaisang pahayag ng mga grupo ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Ayon sa grupo, ang pagkakaroon ng kongkretong plataporma at education agenda sa bansa ang isa sa pinaka-epektibong paraan upang matugunan ang malawakang krisis na naidulot ng pandemya hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa health care system at labor sector ng bansa.

Tinukoy ng grupo na dapat tugunan ang learning crisis ng mga mag-aaral; ang sistema ng edukasyon sa tinaguriang new normal dahil sa pandemya; pagbubuo sa mga regulasyon para sa pagkakaroon ng schools and academic freedom ng mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad; ang higit na pagbibigay ng tulong at suporta sa mga guro; at ang pagpapalakas sa partisipasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa sistema ng edukasyon sa bansa.

“To truly address our country’s urgent problems, particularly the economy, poverty, health, unemployment, and peace, we firmly believe that a strong education agenda would be vital in resolving them. We, therefore, need to engage our aspiring government leaders, especially the Presidential candidates, in their concrete agenda for education as we come closer to the May 9, 2022 elections.” Dagdag pa ng grupo

Batay sa pinakahuling ulat ng United Nations Children’s Fund (Unicef), 85-porsyento ng mga Filipinong mag-aaral edad 10-taong gulang ang hirap sa pagbabasa.

Naunang binigyang diin ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na malawak ang naging epekto ng pandemya sa sektor ng edukasyon sa bansa dahil marami ang hindi handa sa blended learning.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 9,810 total reads

 9,810 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 37,281 total reads

 37,281 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 77,840 total reads

 77,840 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 103,957 total reads

 103,957 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 152,224 total reads

 152,224 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 172,638 total reads

 172,638 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 9,811 total reads

 9,811 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 10,160 total reads

 10,160 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top