3,405 total views
Hinikayat ni CBCP Episcopal Commission on Social Communication at Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang publiko na maging mapanuri sa kanilang mga inilalabas na impormasyon sa social media.
Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Bishop Maralit, sinabi niya na dapat gamitin ng bawat isa ang social media accounts bilang tagapag-palaganap ng katotohanan sa halip na maging kasangkapan ng mga maling impormasyon.
Naniniwala ang Obispo na dapat nating isalang-alang ang resulta at magiging epekto sa iba ng ating mga inilalabas sa mga social media platforms.
“Ako nakita ko ang pakinabang kung paano ang isa mong post ay may ibig sabihin sa maraming tao. Ano mang i-post mo meron siyang kahulugan kaya nga kung ang ipopost mo ay mali o masama may kahulugan sa iba yun pero kung ang i-popost mo ay mabuti at may katotohanan o bagay na may kapaki-pakinabang sa kapwa yun ay [dapat] mag-amplify. Paliwanag ni Bishop Maralit.
Aminado si Bishop Maralit na dahil sa kagustuhan ng tao na maaliw at malibang ay hindi na nito alintana kung ang kanyang mga ibinahagi impormasyon ay totoo o huwad.
“Kapag magpopost ka pag-isipan mo muna at sana puno ng good intention ang ilalagay mo” paghikayat pa ng Obispo.
Ipinaalala ng Obispo na mahalaga ang pagsasaliklik at pagsuri sa mga nakakalap nating impormasyon upang hindi maging kasangkapan sa pagbago ng katotohanan.
“Tingnan muna natin ang other sources na maaring pagmulan ng information, [na] about the same reality mag-compare tayo ng mga sources natin na dapat tignan lalo na sa mga information na malakas ang dating sa atin” dagdag ng Obispo
Batay sa isang survey na ginawa ng Social Weather Station o SWS noong 2021, lumabas na 51 porsyento ng mga Pilipino ang nagiging biktima ng fake news sa iba’t-ibang social media platforms.