Capelinha de Fatima replica, lugar ng healing at conversion

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,207 total reads

Itinuring na lugar ng pagpapanibago ang Capelinha de Fatima Replica na itinatag sa San Remigio Cebu.

Ito ang pahayag ni Msgr. Ruben Labajo, Vice chairman ng Tres Pastorinhos de Fatima Foundation Inc. at Spritual Director ng World Apostolate of Fatima sa nakatakdang pagtatalaga sa ikaapat na replica chapel ng Our Lady of Fatima at kauna-unahan sa Southeast Asia.

Ayon sa pari, magsisilbi itong lugar ng mga deboto ng Mahal na Ina at ipahayag ang pagiging Pueblo Amante de Maria ng mga Filipino.

“This will become a place of healing and conversion, a place for pilgrimage, a place where we can express our love and devotion to the Blessed Virgin Mary,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Labajo.

Sa April 4 pormal na pasinayaan, basbasan at italaga ang replica chapel sa pangunguna ni Cebu Archbishop Jose Palma kasama ang mga pari, relihiyoso at mga deboto ng Mahal na Birhen.

Magandang pagkakataon din itong ipaalala sa bawat mananampalataya ang panawagan ng Mahal na Birhen na pagpapanibago ng bawat isa tungo sa mapayapang lipunan lalo na ang pagbabalik loob at pagtalaga sa Russia sa kanyang kalinga na isa sa mga tagubilin nang magpakita ito sa tatlong bata sa Fatima Portugal noong 1917.

“Conversion is the core message of Our Lady of Fatima when she appeared to the three children in Fatima Portugal,” ani ng pari.

Noong March 25 isinagawa sa mga simbahang sa buong mundo ang pagtatalaga sa Russia at Ukraine sa Kalinis-linisang Puso ni Maria sa pangunguna ni Pope Francis na layong ipanalangin ang pagwawakas ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Binigyang diin ni Msgr. Labajo na kapaki-pakinabang sa mananampalataya ang pagbubukas ng replica chapel sa Cebu sapagkat hindi na kinakailangang dumayo ang mga Filipino sa Fatima Portugal para sa pilgrimage.

Hiniling ng pari sa mamamayan ang matagumpay na pagdiriwang kasabay ng apelang patuloy na ipanalangin ang kapayapaan ng sanlibutan at kaligtasan mula banta ng kalamidad at karamdaman sa tulong at gabay ng Mahal na Birhen.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,493 total reads

 8,493 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,241 total reads

 35,241 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,800 total reads

 75,800 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,024 total reads

 102,024 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,291 total reads

 150,291 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,803 total reads

 170,803 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top