234 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Abril 2022, Jn 8:51-59

Kailangang balikan natin ang mga naunang linya para mas maintindihan ang ating Gospel reading ngayon. Sinasagot kasi ni Hesus ang paratang sa kanya na siya daw ay “Samaritano at nasasaniban ng dimonyo.” Palagay ko ito ang dahilan kung bakit HUDYO (Jewish) ang tawag ni San Juan sa mga nagbabanta kay Hesus.

Noong una hindi ko ito gaanong maintindihan. Naisip ko tuloy na baka ito ang nagpasimula sa tendency ng ilang mga Kristiyano na maging ANTI-JEWISH o ANTI-SEMITIC. Kahit sa mga pabasa sa Pasyon kapag Mahal na Araw, madalas nating marinig ang salitang “HUDYO”. Na mga Hudyo raw ang nagpako kay Hesus sa krus. Paano mangyayari iyon kung nasa ilalim ng awtoridad ng Roman empire ang Jerusalem noong ipako si Hesus sa krus?

Iyun pala, merong dalawang kahulugan ang salitang HUDYO o YEHUD sa Hebreo. Pwedeng ito’y may kinalaman sa pagiging mamamayan ng Judea, at pwede rin itong tumukoy sa relihiyon ng buong bayang Israel, ang bansang sumasamba sa Diyos na si Yahweh. Mukhang mas sanay tayo sa pangalawa.

Paano ba magiging kalaban ni Hesus ang mga Hudyo kung Hudyo rin ang pananampalatayang kinagisnan niya? Gayundin ang buong pamilya niya, at halos lahat ng mga naunang mga alagad niya, pati ang labindalawang apostol?

Ang distinction na ito ay medyo hawig sa relasyon ng “Tagalog” at “Filipino”, o sa “Kastila” at “Espanyol”. Noong first time na napunta ako sa Barcelona, Spain, tinanong ako kung “Tagalog” daw ba ako. Sabi ko, hindi. Sabi ng nagtatanong, akala ko ba Filipino ka, edi Tagalog ang salita mo? Sabi ko, marunong ako ng Tagalog, at Filipino citizen nga ako, pero hindi lahat ng Filipino ay Tagalog. Medyo nalito siya. Sabi ko, Kapampangan ako, taga-Pampanga, isang rehiyon sa Central Luzon.

Para mawala ang pagkalito niya, ginamit kong halimbawa ang Kastila at Espanyol. Sabi ko, parang kayo rin, di ba? Kung tatanungin ko kayo kung Kastila ba kayo, siguradong sasabihin n’yo, hindi. Kung magri-react ako at sasabihin ko,”Akala ko ba Espanyol kayo?” Siguradong sasabihin ninyo, “Oo, Espanya ang tawag sa bansa namin at Kastila ang basehan ng linggwaheng tinawag na Espanyol, pero kami ay Catalan, taga-rehiyon ng Catalunia, na iba sa mga taga-Castilia, Galicia, Andalucia, Basco. Kaya hindi kami Kastila.”

Ang lumang Israel sa Bibliya ay maraming pinagdaanan sa kasaysayan. Ang dating confederation ng mga tribes ay naging isang bansa, naging isang kingdom sila noong panahon nina King Saul, David at Solomon. Pero na-divide ang bansang ito pagkatapos ni Solomon, naging dalawang bansa: ang Northern Kingdom na nag-retain sa pangalang “Israel”, na ang capital ay Samaria, at ang Southern Kingdom of “Judah”, na ang capital ay Jerusalem.

Nanatili ang division sa loob ng dalawang daang taon, hanggang sa sinakop ng Assyrian Empire ang Northern Kingdom of Israel. Mula noon nagbago ang meaning ng Samaritano. Dati citizenship lang ito. Later naging parang relihiyon din ito, nawalay sa mga Hudyo dahil naghalo ang kultura at relihiyon ng mga Israelita at mga paganong taga-Assyria. Kaya naging mababa ang pagtingin ng mga Hudyo sa mga “Samaritano”. Sa tingin nila, nahaluan na sila, hindi na puro ang kanilang pananampalataya.

Kung tutuusin, hindi naman talaga taga-Judea si Hesus. Palagay ko iyon ang ibig sabihin ng mga kausap niya na tumawag sa kanya na “Samaritano”. Taga-Norte siya katulad ng mga Samaritano. Pero taga-Galilea siya, hindi siya taga-Judea o Samaria. Hindi siya Hudyo, strictly speaking, dahil hindi siya taga-Judea, pero ang nakagisnan niyang relihiyon ay mas malapit sa mga Hudyo kaysa sa mga Samaritano.

Sa panahon natin ngayon, ang tawag sa ganitong attitude ay REGIONALISM o NATIONALISM. Alam nyo ba na sa Europe, negative na ang meaning ng NATIONALISM, dahil iniuugnay ito kay Hitler, sa mga Nazi (national socialism) na nagpalaganap ng racism sa Europa? Mas mataas daw ang pagkatao ng purong German na galing sa Aryan race. Mababa ang tingin sa iba, lalo na sa mga Hudyo.

Dati, ganyan din tayo. (Baka nga hanggang ngayon meron pa rin tayong regionalistic tendency. Nakikita iyan kapag eleksyon na—katulad ng mga botante na magsasabing, “Bakit ba boboto pa ako ng iba, doon na ako sa kapwa ko Ilocano?” May mga panahon na nakakalimutan natin ang common identity natin bilang Filipino.

Totoo namang wala pa tayong kinalaman sa isa’t isa noong una. Dahil maraming isla tayo, insular kung mag-isip, regionalistic, may kanya-kanyang ethnic identity, linggwahe at kultura. Nagkaroon lang tayo nga common identity noong labanan natin ang mga Kastila at Amerikano. Tinawag nating Filipino ang sarili natin bilang reaksyon sa mababang pagtingin ng mga Kastila sa mga katutubo na dating tinatawag na mga INDIOS ng Kastila at tinuturing na mas mababa ang pagkatao.

Magaling si Hesus, ipinaalala niya sa kausap niya na Taga-Judea man o Galilea o Samaria, na anak silang lahat ni Abraham, at ang misyon ni Abraham ayon sa narinig natin sa first reading ay maging AMA NG MARAMING BANSA. Hindi lang ang pagkaisahin ang mga anak ni Israel, kundi ang buong sangkatauhan. Na tayo’y galing sa iisang pamilya ni Abraham: Hudyo, Muslim, o Kristiyano.

Pero higit pa roon ang panawagan niya. Na merong higit pa kay Abraham na pwedeng maging punto ng pagkakaisa. Ito’y walang iba kundi ang Diyos mismo ni Abraham—si AKO’Y AKO NGA. Ang mensahe ni Hesus ay, “Kung magtuturingan tayo, hindi lang bilang mga anak ni Abraham, kundi mga anak ng Diyos, mas malawak ang pagkakaisang maaabot natin. Magiging magkakapatid tayong lahat, anuman ang uri, lahi, o salita ang pinagmulan natin.

Ito ang dalang regalo ni Hesus, ang Anak ng Diyos na naki-kamag-anak sa lahat ng tao nang siya’y nagkatawang tao. Sa pamamagitan niya, pwede nating itayo ang isang mas mataas na sibilisasyon, kung kaya nating tanggapin ang bawat tao bilang KAPATID.

Ginawang kanta ito noon at inawit ng New Mistrels:

“Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal, isipin mong tayong lahat ay MAGKAKAPATID.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 20,956 total views

 20,956 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 26,374 total views

 26,374 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 33,081 total views

 33,081 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 47,878 total views

 47,878 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 54,034 total views

 54,034 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 425 total views

 425 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 809 total views

 809 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 11,766 total views

 11,766 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,598 total views

 10,598 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,584 total views

 10,584 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,583 total views

 10,583 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,586 total views

 10,586 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,588 total views

 10,588 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,591 total views

 10,591 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 13,899 total views

 13,899 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 13,892 total views

 13,892 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 13,893 total views

 13,893 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 13,857 total views

 13,857 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,433 total views

 22,433 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,566 total views

 17,566 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top