Mailap na katarungan para sa mga biktima ng war on drugs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Mga Kapanalig, may ilang iregularidad na nakita ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa kanyang pag-iimbestiga sa labi ng mga napatay o pinatay sa mga police drug operations at ng mga vigilante. Ayon sa initial findings na inilabas noong isang linggo, sa death certificates ng pito sa 46 na biktima, natural causes ang inilagay na dahilan ng kanilang kamatayan gayong pinagpapatay sila o biktima ng homicide.

Ang imbestigasyong isinasagawa ni Dr. Fortun ay bahagi ng Project Arise, isang proyektong nagbibigay ng tulong pinansyal para sa cremation ng mga napatay o pinatay sa war on drugs. Malaking suliranin kasi ng mga naulilang pamilya ang pagkakapasό ng upa sa sementeryo kung saan nakalagak ang labi ng kanilang mga yumao. Ayon kay Fr. Flavie Villanueva, SVD, na nangunguna sa proyekto, limang taon lamang ang kontrata ng upa sa mga pampublikong sementeryo. Kung hindi makakapag-renew sa halagang ₱4,500 kada limang taon ang mga pamilya ng yumao, huhukayin ang kanilang labi at ilalagay sa isang mass grave.

Karamihan sa mga benepisyaryo ng proyekto ay mula sa mahihirap na pamilya. Sa katunayan, marami sa mga labing nasiyasat na ni Dr Fortun ay pasok sa karaniwang profile ng mga biktima ng war on drugs: mga lalaking mula sa mahihirap na lugar. Ayon kay Dr. Fortun, labimpito sa mga nasiyasat na niya ay walang trabaho noong nabubuhay pa sila, apat ay construction workers, at dalawa ay basurero. Aabutin ng ₱45,000 ang cremation ng bawat labi kaya nangangailangan ng donasyon ang Project Arise.

Ang mga napatay at pinatay sa ngalan ng war on drugs noong 2016 at 2017 o limang taon na ang nakalilipas ay ang mga pangunahing benepisyaryo ng proyekto. Pumayag ang mga kaanak ng biktimang bago i-cremate ang labi ng kanilang mga mahal sa buhay ay dumaan muna ito sa re-autopsy. Ayon kay Dr. Fortun, layunin ng imbestigasyong magkaroon ng tamang documentation sa mga pagpatay na ito. Para kay Fr. Flavie, makatutulong ito sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng war on drugs at sa kanilang pamilya.

Hanggang ngayon nanatiling mailap ang katarungan para sa mga biktima ng pagpatay sa war on drugs. Sa pitong libong opisyal na naitala ng pulisya at mahigit 30,000 na naitala ng human rights groups, isang kaso pa lamang ang nagkaroon ng pagdinig. Ito ay ang kaso ng binatang si Kian delos Santos sa Caloocan City kung saan nahatulan at nakulong ang mga akusadong pulis. Patuloy na nananawagan ng katarungan ang libu-libo pang namatayan ng mahal sa bahay dahil sa war on drugs.

Patuloy na nanindigan ang Simbahan: sagrado ang buhay ng tao. Lahat tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang pagpatay ay tahasang pagsira sa magandang plano ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Hindi kailanman magiging tama ang pumatay. Hindi kailanman magiging sagot ang karahasan sa mga problema ng lipunan. Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahan na hindi natin makakamit ang isang mapayapang lipunan kung hindi nakabatay sa paggalang sa dignidad ng tao ang mga patakaran at hakbang ng pamahalaan. Maituturing na isang malaking pagyurak sa dignidad ng mga biktima ng war on drugs ang ginagawang pagtatakip sa tunay na dahilan ng kanilang pagkamatay. Sa halip na bigyang katarungan ang mga biktima, pilit na ikinukubli ang kalapastanganang ginawa sa buhay ng tao.

Mga Kapanalig, katulad ng panawagan sa Isaias 1:17: “Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol Ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.” Sa muling pagkabuhay ni Kristo, nawa’y maging daan tayo ng pag-asa para sa mga biktima ng war on drugs. Samahan natin sila sa kanilang panawagan para sa katarungan.

Sumainyo ang katotohanan

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 12,784 total reads

 12,784 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 43,541 total reads

 43,541 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 84,100 total reads

 84,100 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 109,568 total reads

 109,568 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 157,835 total reads

 157,835 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 178,073 total reads

 178,073 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 43,542 total reads

 43,542 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 84,101 total reads

 84,101 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 109,569 total reads

 109,569 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top