Paglinang sa wikang Filipino at katutubong wika, paiigtingin ng KWF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,694 total reads

Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (K-W-F) ang pagpapaigting sa mga programa na magpapanatili sa wika kabilang na ang mga katutubong wika sa bansa.

Ayon kay Dr. Arthur Casanova, Tagapangulo at Kinatawan ng KWF, ang mga patimpalak na inilunsad ng komisyon ay paraan upang mas malinang ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggamit ng wika at makatuklas ng mga talento lalo na sa kabataan.

“Unang una tumutuklas tayo ng mga bagong makata at mga mandudula, maging sa pagsulat ng mga sanaysay at panitikan upang mapangalagaan, mapagyaman ang wikang Filipino,” pahayag ni Casanova sa Radio Veritas.

Ito ng pahayag ni Casanova sa ginanap na ‘Araw ng Parangal 2022’ kung saan kinilala ang ilang indibidwal na nagwagi sa patimpalak na Tumula Tayo 2022: Pagsusulat ng Katutubong Tula; Dula Tayo 2022: Pagsusulat ng Dramatikong Monologo; Talaang Ginto Makata ng Taon 2022; at ang Gawad Dangal ng Panitikan 2022.

Nakatuon sa mga katutubo sa bansa ang tema ng bawat patimpalak kung saan tinatalakay dito ang kasalukuyang sitwasyon ng mga katutubo kabilang na ang kanilang karapatan at pangarap sa buhay.

Naniniwala si Casanova na malak ang maitutulong ng panitikan, dula, tula at mga sanaysay upang mapangalagaan ang interes ng halos 17-milyong Indigenous People sa Pilipinas na nabibilang sa 110 ethno-linguistic groups.

Sinabi ng opisyal na pagsama-samahin ng kWF ang mga isinulat na tula, dula at panitikan upang ilimbag sa aklat makalipas ang sampung taon.

Inaanyayahan ni Casanova ang mamamayan na lumahok sa mga patimpalak na inilulunsad ng KWF upang higit na malinang ang kasanayan ng mga Pilipino.

“Ini-engganyo ko ang ating mga kababayan na makiisa sa mga patimpalak na isinasakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino dahil layunin nating payabungin ang mga talento ng ating mga kabataan sa larangan ng panitikan, dula, sanaysay at ito ay malaking hakbang upang patuloy na malinang ang panitikan,” giit ni Casanova.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 20,273 total reads

 20,273 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 214,954 total reads

 214,954 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 246,685 total reads

 246,685 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 348,509 total reads

 348,509 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 389,070 total reads

 389,070 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 401,196 total reads

 401,196 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top