Parusahan ang mga nasa likod ng “injustice” kay Senador de Lima – Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 948 total reads

Itinuring ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na malubha ang kalagayang pangkatarungan ng Pilipinas makaraang bawiin ng sinasabing druglord na si Kerwin Espinosa ang mga paratang laban kay Senator Leila De Lima.

Ikinalungkot ng obispo na biktima ng kawalang katarungan si de Lima na isang halal na mambabatas ng bansa.

“This is a grave injustice to the senator and to the Filipino people. She was not able to properly serve the mandate given her by the people because of this injustice,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Kamakailan ay binawi ni Espinosa makalipas ang limang taon ang alegasyong nag-uugnay sa mambabatas sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa counter-affidavit ni Espinosa na isinumite sa Department of Justice sinabi nitong walang katotohanan ang mga alegasyon laban kay de Lima at bunga lamang ito ng pamimilit, pananakot at banta sa seguridad ng buong pamilya.

Isinasaad din sa affidavit ni Espinosa ang paghingi ng paumanhin sa senadora.

Pinasalamatan naman ni Bishop Pabillo ang kabaang loob ni Espinosa na ihayag ang katotohanan at iwasto ang mga maling paratang.

“I thank Kerwin Espinosa for following his conscience in recanting,” ani Bishop Pabillo.

Samantala ipinaubaya naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa korte ang implikasyon ng pagbawi ng mga pahayag ni Espinosa.

Sa hiwalay na pahayag ng DOJ sinabi nitong hindi kabilang si Espinosa sa tatlong saksi na ipresenta sa pagdinig ng kaso ni de Lima sa May 16.

Noong Pebrero inalis ng DOJ si Espinosa sa Witness Protection Program (WPP) nang tangka itong tumakas sa piitan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Umaasa naman si Bishop Pabillo na lalabas ang katotohanan at mananaig ang katarungan sa lipunan habang pananagutin ang mga sangkot sa kawalang katarungan.

“There should be a thorough investigation against those in authority who are behind this injustice,” giit ni Bishop Pabillo.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 7,013 total reads

 7,013 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 39,039 total reads

 39,039 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 133,267 total reads

 133,267 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 193,761 total reads

 193,761 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 207,668 total reads

 207,668 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 288,131 total reads

 288,131 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top