Ihalal ang mga kandidatong ‘pro-farmers at pro-fishermen’, panawagan ng Obispo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 812 total reads

Ihalal ang mga pinunong tutulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura at susulong ng mga inisyatibong magpapaunlad sa sektor.

Ito ang panawagan nina Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa paggunita ng ‘National Farmers and Fisherfolks Month‘ ngayong Mayo na nagsimula sa bisa ng Proclamation No.33 noong 1989 sa ilalim ng pamumuno ng dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon kay Bishop Pabillo, mahalagang maihalal ang mga lider na batid ang mga suliranin na kinakaharap ng sector.

Hinimok din ng Obispo ang lahat na ipanalangin kay San Jose at San Isidro Labrador ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura upang mapabuti ang kanilang kalagayan na apektado narin ng ‘Climate Change’.

“Pero masisipag ang mga mangingisda at magsasaka sa atin. Matiyaga sila sa trabaho at malapit din sila sa Diyos. Mahigpit ang kapit nila sa Diyos. Ipagdasal din natin sila lalu kay kay San Jose na Manggagawa at kay San Isidro Labrador, ngayon election iboto natin ang mga kandidato na alam ang kanilang kalagayan at may push para sa kanila. Kailangan nila ang suporta ng pamahalaan. Magugutom tayo kung wala sila!,” pahayag ni Pabillo sa Radio Veritas.

Apela naman ni Bishop Bancud sa mamamayan higit na sa pamahalaan, mga partylist at opisyal ng gobyerno na kumakatawan sa sektor na ipatupad ang mga batas, programa at inisyatibong magiging karagdagang agapay para sa mga magsasaka at mangingisda.

“Para sa mga magsasaka at mangingisda maraming salamat sa inyong mga pagsusumikap na mapaunlad ninyo ang pangkabuhayan sa ating lipunan at sa bandang huli ang bunga ng mga pagsusumikap na ito ay ang inyong mga pamilya ang magtatamasa,” ayon din sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Umaasa si Bishop Bancud na gamitin din ng bawat mananampalataya ang kanilang boses upang mapalakas ang pananawagan ng tulong sa mga manggagawa ng sektor na nakaranas na ng ibat-ibang suliranin na dulot ng pandemya, African Swine Fever, Agricultural smuggling, at Avian Influenza o birdflu.

“Ang boses ng bawat isa sa atin ay kailangang marinig. Dito sa ganitong sitwasyon, tayo ay isinusugo ng Poong Maykapal upang dito rin natin maipapangibabaw at mapapatingkad ang Mabuting Balita ng Panginoon,” pagbibigay diin pa ni Bishop Bancud

Batay sa tala, tinatayang nasa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 222,108 total reads

 222,108 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 253,839 total reads

 253,839 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 355,663 total reads

 355,663 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 396,224 total reads

 396,224 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 408,000 total reads

 408,000 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,261 total reads

 22,261 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top