BJMP at Bureau of Corrections, pinaalalahanan ng CBCP sa karapatan ng PDL’s na bumoto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa namamahala sa mga bilangguan sa bansa kaugnay sa karapatang makaboto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) para sa May 9, 2022 elections.

Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon – Chairman ng kumisyon, mahalagang tiyakin ng namamahala sa mga bilangguan na mapanatili at magamit ng mga PDLs ang kanilang karapatang bumoto kahit nakakulong.

“If there is any concern that I’d like to address, it is addressed to those in charge of our prisons, that they assure those PDLs who have the right to vote be given this opportunity to exercise this right.” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na sa kabila ng sitwasyon at pagkakabilanggo ng mga P-D-L ay mayroon patas na karapatan at tungkulin ang mga ito na maghalal ng mga karapat-dapat lider ng bansa.

Nilinaw ng Obispo na walang pinagkaiba ang panawagan ng Simbahang Katolika sa bawat botante at sa mga P-D-L na bumoto para sa kabutihan at kapakanan ng bayan batay sa katotohanan, konsensya, paniniwala at pananampalataya.

“I don’t think PDLs need to be addressed as a special group since what is expected of everybody is expected of them as well – which is, to vote wisely upholding always the truth, justice & concern for the common good, when they cast their votes.” Dagdag pa ni Bishop Baylon

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) may aabot sa 51,700 ang bilang ng mga rehistradong botante na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na maaaring bumoto sa halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Sa ilalim ng panuntunan ng COMELEC para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) Voting, tanging national positions lamang ang kabilang sa kinakailangang ihalal ng mga ito na kinabibilangan ng pangulo, pangalawang pangulo, 12-senador at isang party-list group.

Magtatakda ng mga jail facility ng Special Polling Place kung saan maaaring bumoto ang mga rehistradong PDLs mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,958 total reads

 3,958 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,808 total reads

 27,808 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,368 total reads

 68,368 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 94,966 total reads

 94,966 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,232 total reads

 143,232 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,059 total reads

 164,059 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,960 total reads

 3,960 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,877 total reads

 8,877 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top