Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COMELEC, hinimok ng Clergy for Moral Choice na panindigan ang mandato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total views

Kinilala ng Clergy for the Moral Choice ang mahalagang papel na ginagampanan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa kinabukasan ng bansa.

Ayon kay running priest Rev. Fr. Robert Reyes, mahalaga ang katapatan ng mga kawani ng COMELEC sa pagganap sa mandato na pangasiwaan ang kabuuang proseso ng nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022.

Umaasa si Fr. Reyes na ang katapatan ng mga kawani ng COMELEC ay para sa bayan at taumbayan,at hindi sa sinumang nagtalaga sa kanila sa katungkulan.

Iginiit ng Pari na hindi dapat na magkaroon ng bahid ng pagkiling ang COMELEC sa sinumang kandidato at partido.

“Napakahalaga po ng papel ninyo at napakahalagang ipaalala sa inyo, dapat po kayo ang tinitingnan ninyo ay ang inyong mga kababayan, ang bansang Pilipinas, ang kinabukasan ng bansang ito, huwag kung sino ang nag-appoint sa inyo. Kasi lahat sila appointed na kaya kanino ang loyalty ninyo sa appointing authority o sa taumbayan? Makikita namin ito, makikita namin at kapag may nangyari na nagkaroon ng bahid ng pagkiling hindi sa taumbayan kundi sa mga makapangyarihan na naglagay sa kanila diyan [sa posisyon] kami ay magagalit.” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Robert Reyes sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyan diin ni Fr. Reyes na dapat na sa Panginoon at taumbayan ang kiling at katapatan ng kawani ng mga organisasyon at mga grupo na mangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan at manindigan sa anumang dayaan, kamalian o kasinungalingan.

Ayon sa Pari, tuwinang nakabantay ang taumbayan, ang Clergy for the Moral Choice at maging ang Panginoon sa COMELEC na isang mahalagang institusyon para sa pagpapanatili at pagsusulong ng demokrasya ng bansa.

“Hindi namin sinasabi na mandadaya kayo, may gagawin kayong mali pero mas madaling gumawa ng mali kapag ang kiling niyo hindi sa taumbayan at lalong lalo na hindi sa Diyos, kaya yun ang binitiwan namin hamon sa kanila God is watching us, God is watching you and we are watching you the Clergy for the Moral Choice. Kaya ang problema sa atin pinababayaan natin itong institusyon na ito pero napakahalaga ng institusyon na ito kasi they make and break democracy, they make and break good candidates.” Dagdag pa ni Fr. Reyes.

Ang Clergy for the Moral Choice (CMC) na una ng nagpahayag ng suporta para sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ay binubuo ng may 1,400 na mga pari, Obispo, relihiyoso, relihiyosa at mga deacons na naninindigan para sa katotohanan at para sa kapakanan ng bayan para sa nakatakdang halalan.(reyn)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 46,139 total views

 46,139 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 113,627 total views

 113,627 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 134,692 total views

 134,692 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 156,556 total views

 156,556 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 190,469 total views

 190,469 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top