Nagdaan at kasalukuyang pangulo, bigong tugunan ang kahirapan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,852 total reads

Ipinagdarasal ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual na ihahalal ng mga Filipino na mamumuno sa bansa ay tunay na may malasakit at pagmamahal sa mga mahihirap.

Ito ang inihayag ni Fr. Pascual matapos ang ginawang pagbisita sa mga mahihirap na komunidad sa Tondo Maynila kung saan patuloy na ipinatutupad ang mga programa ng Caritas Manila tulad ng feeding, scholarship at livelihood.

Ayon kay Fr. Pascual, kailangan maging prayoridad ng mga bagong pinuno ang mga mahihirap sa Pilipinas na bumubuo sa malaking prosyento ng populasyon.

Aminado ang Pari na bigo ang mga nagdaang administrasyon na mabigyan ng kongkretong programa ang maralita kaya’t marami pa din ang naghihikahos at nagtitiis sa kahirapan.

“Ang bansa natin ay bansang mahirap hindi tayo bansang mayaman kaya kung sino man ang kandidato at sa pagpili natin ng kandidato mahalaga sino ang tunay na tutulong sa mga suliranin ng kahirapan sa ating bansa sapagkat napakarami na ng nagdaang Presidente nakakalungkot [bagamat] nirerespeto natin sila pero walang impact o ginawang kongrekto para mabawasan ang kahirapan sa ating bansa” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito nagpapasalamat naman ang Pari sa mga patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Simbahan para makatulong sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“Sa mga kapanalig natin salamat po sa inyong mga panalangin at suporta in cash o in kind sa Caritas Manila, ang inyong NGO ng Simbahan na direktang tumutulong sa mga mahihirap na matulungan ang kanilang mga sarili at nawa sa pamamagitan ng ating pagtulong madama ng mahihirap ang pag-ibig at dakilang habag ng Panginoon.” Wika ni Fr. Pascual.

Batay sa datos, tinatayang nasa 23.7 percent ng populasyon ng Pilipinas ang mahihirap.

Mula sa 22.26 milyong maralita sa bansa tumaas ito sa 26.14 milyong bago pa man magsimula ang Covid19 pandemic.

Sa datos naman ng Commission on Election nasa 67.4 milyong Pilipino ang rehistradong bumoto ngayong May 9, 2022 Election.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 22,617 total reads

 22,617 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 106,950 total reads

 106,950 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 201,281 total reads

 201,281 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 262,967 total reads

 262,967 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 307,586 total reads

 307,586 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 118,767 total reads

 118,767 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top